Son ni Zaldy Co na si Ellis, nanawagan na umuwi na ang ama.

Courtesy : Michael Ellis Co

Nanawagan si Michael Ellis na sana raw ay umuwi na ang kanyang ama na si Zaldy Co para harapin ang mga issue na binabato sa kanya.

Hindi lingid sa marami na si Zaldy Co ang kasalukuyang representative ng ‘Ako Bicol Partylist’, siya rin ang CEO ng Sunwest Inc. o Sunwest Group of Companies, ang construction company na napasama sa listahan ng pangulo na nagkaroon ng mga anomalya sa paghawak ng pundo mula sa mga flood control projects.

Kaya naman, matapos lumabas at mabulgar ang matinding korapsyon ng mga kongresista, kontratista at ibang mga politiko, dito na agad lumipad papunta sa ibang bansa si Zaldy Co.

Nakaraang linggo ay ibinalitang nasa Amerika si Zaldy para umano magpagamot sa kanyang karamdaman, sinagot ito ni Atty. Princess Abante sa kamara bilang kasagutan sa mga katanungan tungkol sa whereabouts ng kongresista.

Ayon kay Atty. Abante : “Based on my initial inquiry before the Office of the House Secretary General [Reginald Velasco], he is currently out of the country,

“I understand he is in the United States for medical treatment, with appropriate travel documents.. kung ano yung mga travel documents na ‘yon, wala pa kong copy,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay hindi pa umuuwi si Zaldy Co at ang huling mga update tungkol sa lokasyon nito ay lumipad siya papuntang Singapore mula sa Amerika at ang latest flight naman nito ay papuntang Spain.

Kaya naman, dito na nanawagan ang anak ni Zaldy na si Michael Ellis Co na sana raw ay umuwi na ang kanyang ama upang mapaliwanang nito ang tunay na nangyari sa mga proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng pamahalaan.

Ani Ellis Co : “I found out about the full extent of the allegations the same way everyone else did. Before my dad entered politics, he was a businessman who provided a better life for my family.

“As a kid, that is all I saw and all I was told. Our relationship has since become very vague when he entered politics, which made me increasingly distant, not just from him, but from my family as well.

“And though I try to separate myself from the affiliation, I won’t exclude myself from the conversation. I am deeply ashamed, and I wish for nothing but the truth to come out. There is no excuse.

“I firmly believe that anyone who is proven guilty of these crimes should be held accountable and should face the proper consequences. That includes my dad.

“I urge him to appear before the people and be accountable once and for all. I am not just speaking out against a politician; I am speaking out against my father.” bahagi ng pahayag ng anak ni Zaldy Co.

Parte rin sa naging pahayag ni Ellis sa kanyang social media ang katagang ikinakahiya niya ang kanyang ama na si Zaldy Co.

kung ating babalikan, ang Sunwest Inc. ay pinagkalooban ng bilyones na kontrata mula sa DPWH o Department of Public Works and Highways taong 2023 hanggang 2025 para sana ito sa mga proyekto gaya na lamang ng mga kalsada, mga gusali, tulay at lalong-lalo na para sa mga flood control projects.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, umaabot sa P2 trilyon na ang nagastos para lang sa mga flood control projects na ito sa loob ng 15 years, ngunit ang mas nakakalungkot na mahigit kalahati umano ng budget ay napunta lang sa bulsa ng mga buwaya.

Hanggang sa ngayon ay hindi parin naglalabas ng kanyang pahayag si Zaldy Co kung kailan ito makakabalik sa bansa.