Manager ni Shuvee na si Yure Etrata : “They are like dogs”.

Courtesy : Yure and Shuvee Etrata

Okay na sana pero bakit nagsalita pa ang tito at manager ni Shuvee na si Yure Etrata laban sa mga Kakampink?

Laman na naman ng pambabatikos ang rising star ng kapuso network na si Shuvee Etrata matapos nagtatatahol ang kanyang tiyuhin at personal manager na si Yure sa social media, tinawag pa nitong ‘Kakampwet’ and mga Kakampink.

Kung ating babalikan Sept 22, binatikos si Shuvee ng mga netizens dahil sa kanyang old live video na muling kumalat online. Ang viral video na ito ni Etrata ay live pa niya sa Tiktok noong March 12, 2025, isang araw matapos ang pagka-aresto sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte kaugnay parin sa kaso nitong “crimes against humanity”.

Hindi lingid sa marami na inaresto si Duterte noong March 11 ng gabi sa NAIA. Kaya sa pinapakalat na old video ni Shuvee sa social media, kitang-kitang ang pag-aalala niya sa dating pangulo, inamin pa nitong hindi niya napigilan na humagulgol sa iyak dahil sa nangyari kay Duterte.

Matapos mabatikos ang Former PBB housemate, naglabas siya ng kanyang pahayag tungkol sa kanyang old video na kumalat online.

Ani Shuvee : “I’m deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat to sa akin. Kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko.

“I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it. Sa totoo lang po, iniiwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito.

“Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korapsyon. LALO NA PO NGAYON. Huwag po kayong mag alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow.

“Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people-always.” dagdag ni Shuvee.

Matapos ang pahayag na ito ni Shuvee, humupa na ang pambabatikos sa kanya online at maraming netizens ang nagkomento sa kanya ng muling pagsuporta, not until naglabas ng isang IG story ang tiyuhin nito na si Yure Etrata at tinawag nitong mga ‘aso’ ang mga Kakampink.

Ani Yure Etrata : “Shuvee, there was nothing wrong with what you did -expressing support for former President Duterte. It’s just that the liberal kakampwets hate him and anyone who support him. But the numbers say otherwise. Remember that he is loved by majority of the Filipino citizens.

“The liberal kakampwets are in the minority but they are like dogs on the loose attacking those who do not agree with them. It just sucks that you are in showbiz where people in the industry would be so quick to cancel Duterte supporters just because of the ABS[CBN] franchise shutdown.

“Come 2028 these dogs would be barking like crazyy because it will be a Duterte who will become this country’s president again. That is if walang dayaan. But God is powerful. He won’t allow the wicked to prosper.

“32M DDS votes vs 15M kakampwet votes.” dagdag ng manager ni Shuvee.

Courtesy : Yure Etrata IG story
Courtesy : Yure Etrata IG story

Marami naman sa mga netizens ang bumanat sa IG story na ito ng tiyuhin ni Shuvee.

Ani ng isang netizen : “Ikaw ang magpapabagsak sa career ni Shuvee gunggong ka!!!!”

Sa ngayon ay burado na ang IG story na ito ni Yure, ngunit as usual marami na ang nakakuha ng kopya dahil sa screenshots na kumalat online.