BIR suspends mandatory display of Registration Seal Badge

Suspended muna ng BIR o Bureau of Internal Revenue ang mandatory display ng Registration Seal Badge para sa mga online sellers, content creators, freelancers at tax payers na kumikita sa online o social media.
BIR suspends mandatory display of Registration Seal Badge
Sa ilalim kasi ng Revenue Memorandum Circular o RMC No. 113-2026, inutos ng BIR ang pag-susped sa mandatory posting ng mga seal badge ng mga tax payers.
Ito ay inanunsyo ng ahensya noong October 26, 2026, ilang araw bago ang sana’y deadline na October 31.
Ayon pa sa BIR, kailangan muna na maayos ang mga concerns tungkol sa implementation ng policy, kabilang ang tungkol sa data privacy ng mga tax payers, technical difficulties at kung sino-sino ang mga taong kailangang sumunod sa policy.
Kung ating babalikan, inanunsyo ng BIR ang Registration Seal Badge noong April 2026 sa ilalim ng RMC No. 38-2026.
Ang layunin nito ay para ipakita ang (COR) Certificate of Registration (COR) o (eCOR) Electronic Certificate of Registration sa online platforms ng mga sellers, content creators at mga tax payers na kumikita gamit ang digital platforms.
Hindi lingid sa marami na may QR code ang Seal badge na maaaring i-scan upang makatulong sa pag-verify ng BIR registration ng isang taxpayer.
Sa halip na ilantad online ang buong registration document ng isang tax payers, layunin ng BIR na magkaroon ng paraan upang ma-check ang registration na hindi kailangang ipakita ang mga personal details na nakasaad sa certificate.
Sa ngayon, dapat abangan ng mga online sellers, content creators, freelancers at mga digital earners ang mga susunod na official announcement ng BIR.
