Samu’t-saring batikos ang binabato ngayon sa DDS at former PBB housemate na si Shuvee Etrata dahil kumalat ang old video nito sa Reddit.
Ang viral video na ito ni Shuvee ay live niya pa sa Tiktok noong March 12, 2025, isang araw matapos ang pagka-aresto sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte kaugnay parin sa kaso nitong “crimes against humanity”.
Hindi lingid sa marami na inaresto si Duterte noong March 11 ng gabi sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport, matapos lumapag ang kanilang sinasakyan na eroplano mula sa Hongkong at agad-agad itong sinakay sa isang private plane para dalhin sa ICC o International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Kaya sa pinapakalat na old video ni Shuvee sa social media, kitang-kitang ang pag-aalala niya sa dating pangulo, inamin pa nitong hindi niya napigilan na humagulgol sa iyak dahil sa nangyari kay Duterte.

Ani Shuvee : “Naiyak talaga ako kagabi [pag-aresto kay Duterte], kasi sa lugar namin.. malaki talaga ang naitulong ni PRRD, like sa drugs talaga guys.. sobrang malaking bagay [ang naitulong niya],
“hindi ko alam sa inyo.. pero sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Duterte, para sa’kin talaga guys.. na ano kasi ako ni Bongbong [Marcos], nabudol..” dagdag ng dalaga.
Dito na nakatanggap ng maraming batikos ang dalaga at may mga netizens ang nag-aalala ngayon sa showbiz career ni Shuvee, narito ang komento ng mga netizens sa social media.
“lagot, kaka-sikat mo lang malalaos kana agad, dami mo nasagasaan na mga katrabaho mo..”
“nacucurious ako ano kaya magiging reaction ni vice ganda diyan?? HAHAHAH to think na anak anakan niya yan si shuvee.. nyak”
“the way she says “ambot lang ninyo”, to me, expresses that she doesn’t care about the EJK victims. Also, pet peeve ko yung kagaya niya kumain lol”
“hindi man lang naawa sa mga biktima ng EJK at mga biktima ng corruption. Haaay ewan.” dagdag pa ng isa.
Dahil sa pagka-aresto ni Duterte noong March 11, nagsampa ng kasong ‘kidnapping’ si acting Davao City Mayor Baste Duterte sa mga opisyal na nasa likod ng pagdakip sa kanyang ama sa NAIA.
Sa latest update naman tungkol sa kaso ng dating pangulo, hinatulan ng 3 counts of crimes si Rodrigo ng ICC prosecutors dahil sa involvement diumano nito sa 76 murders in total na nangyari sa kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot o ‘war on drugs’ noong panahon ng kanyang panunungkulan bilang Mayor sa Davao City at Pangulo ng Pilipinas.