Isinugod sa ospital ang aktor na si Tom Holland 29, dahil sa isang accident na nangyari sa taping ng Spiderman Brand New Day.
Ayon sa mga Hollywood insiders, habang nasa set o taping umano ang aktor sa Leavesden Studios in Watford, Herts, bumagsak umano si Holland at nahampas ang kanyang ulo dahilan upang magkaroon ito ng concussion o mild traumatic brain injury.
Ayon sa mga ulat, pansamantala munang itinigil ang produksyon ng bagong pelikula na ‘Spiderman Brand New Day’ na inaasahang ipapalabas worldwide sa July 31, 2026.

Ang produksyon na ito ay nagkakahalaga ng $475Million o ₱27,155,750,000.00 at ang kikitain diumano dito ni Holland ay nagkakahalaga ng mahigit $25M o 1.4B pesos.
Dahil sa aksidente, posibleng matigil muna ang kanilang taping o produksyon ng pelikula sa loob ng ilang linggo, ibinahagi rin ng kanyang ama na si Dominic Holland 58, na pansamantala munang magpapahinga ang kanyang anak dahil sa naturang aksidente.
Ayon naman sa mga Health and Safety executives, agad nilang iimbestigahan ang aksidente na ito ng Hollywood aktor.
Anila : “We were called at 10.30am on Friday to attend to a patient who had sustained an injury at Leavesden Studios in Watford,
“An ambulance was sent to the scene, and the patient was transported to hospital for further care.” dagdag nila.
Kasama rin ni Holland na isinugod sa ospital ang kanyang double o stunt woman, hindi pa inilabas sa publiko ang buong detalye tungkol sa kalagayan ng double ni Holland na kasabay niyang isinakay sa ambulance.
Sa latest update, matapos ang aksidente ay nakadalo na si Tom sa isang family charity event sa London.
Kasama ni Tom ang kanyang fiancée na si Zendaya 29, ngunit hindi pa masyadong okay ang Hollywood aktor sa mga panahong ito dahil sa accident at umuwi sila ng mas maaga mula sa naturang event dahil sa biglaang pagsama ng kanyang pakiramdam.