Jake Cuenca pinalayas si Chie Filomeno, ano ang dahilan?

Usap-usapan sa social media ang tungkol sa break up ng aktor na si Jake Cuenca at ng aktres na Chie Filomeno, ano kaya ang dahilan?

Ayon sa isang ulat, pinalayas umano ni Jake mula sa kanyang condominium ang aktres at ang former GirlTrends member na si Chie, pero hindi sinabi kung ano ang dahilan.

Ito ang ibinalita ng Bandera matapos ibinahagi ng Pambansang Marites sa social media na si Christian Albert Gaza ang tungkol sa hiwalayan nina Jake at Chie, nakalahad pa sa inisplok ni Xian ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Ayon kay Gaza, natagpuan raw na umiiyak si Jake sa kanyang condominium matapos siyang ipagpalit ni Chie sa isang milyonaryong negosyante na si Matt Lhuillier.

Ani Xian Gaza : “Jake Cuenca natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos itong iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier! Atin-atin lang muna huwag na lang sana makakalabas. Salamat.”

Courtesy : Xian Gaza post about Jake Cuenca and Chie Filomeno
Courtesy : Xian Gaza post about Jake Cuenca and Chie Filomeno

Ito kaya ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jake sa kanyang condo si Chie?

Ayon sa source ng Bandera na nakatira rin sa mismong condo building ni Jake, kitang-kita umano niya ang pagpapalayas ng aktor kay Chie sa parking lot ng naturang gusali.

Ani ng source : “Akala ko shooting lang [may dalang mga maleta si Jake], ganu’n naman kasi si Jake maraming dalang gamit. Tapos ang tagal naming hindi na nakikita si Chie, so.. baka ‘yun na nga, hiwalay na pala sila. Dati si Kylie Versoza din dito rin tumira.”

Naitanong rin ng Bandera sa kanilang source ang tungkol sa naging social media post ni Xian Gaza, kung may katotohanan ba talaga ito at kung tunay ba na ipinagpalit ni Chie si Jake kay Matt Lhuillier na isang negosyante.

Sagot ng source : “Oo totoo [ang post ni Xian], pero hindi iniwan ni Chie si Jake, pinalayas ni Jake si Chie, pinabalik niya ang mga gamit sa bahay nila [sa pamilya ni Chie],”

Pero ayon sa source, hindi umano totoong umiyak si Jake sa kanyang condominium dahil sa taping naman raw ng FPJ’s Batang Quiapo ay masaya at makulit parin ito, baka kabaliktaran umano at si Chie ang tunay na umiyak.

Update tungkol sa break up nina Jake Cuenca at Chie Filomeno :

Sa latest interview ni Jake Cuenca sa ABS-CBN at News5 Oct. 7, dito na niya ibinahagi ang tungkol sa break up nilang dalawa ni Chie Filomeno.

Aniya Jake : “Siguro I can officially say.. that chapter of my life is over now.. I can at least say that I really loved that person deeply, and for me, I respect that person until today.

“I’m gonna have a lot of time to process everything and accept everything, And for me, kapag mahal mo talaga ‘yung isang tao, you wish them all the happiness in the world. And you want them to be happy. You want them to be loved as well. That’s the love I have.” bahagi ng pahayag ni Jake.