Angelo Teves, young Adamus in Encantadia stabbed in Payatas

Quezon City, Philippines – Nasa kritikal ang kondisyon ni Angelo Teves matapos masaksak sa Payatas noong October 12, siya ang gumanap bilang batang Adamus sa seryeng Encantadia Chronicles : Sang’gre ng GMA 7.
Angelo Teves stabbed eight times in Payatas, Quezon City
Ayon sa mga ulat, nagtamo si Angelo ng walong saksak sa kanyang katawan dahilan upang isugod siya sa ICU o intensive care unit. Ang suspek ay 15 years old na kabarkada mismo ng biktima.
Caption pa sa post : “Ayon sa panawagan ng kaniyang pamilya, nagtamo siya ng saksak sa tiyan na nagdulot umano ng internal bleeding at pinsala sa bituka.”
Pagpapatuloy sa post : “Kasalukuyang nangangailangan si Angelo ng agarang gamutan at walong blood donor na may blood type A. Nanawagan ang kaniyang pamilya sa publiko na tumulong at magbahagi ng impormasyon upang makahanap ng mga donor.”
Angelo Teves’ brother shares details of the Incident
Sa pagbabahagi ng kuya ni Angelo na si Matthew Johann, may mga saksak raw ang kanyang kapatid na tumagos at tinamaan ang mga internal organs nito.
May matagal raw na hidwaan si Angelo at ang suspek pero hindi raw akalain ni Matthew na hahantong ito sa pananaksak o sa krimen.
Ani Matthew : “Yung kapatid ko.. naglalaro po ng Pogs tapos nakatalikod. Parang nagpambuno sila, nagsuntukan and then.. may nag-abot ng kutsilyo sa sumaksak kay Angelo. Walo po ang saksak niya, pero ‘yung pinakamalalim na tinamaan, yung spleen at bituka niya, tumagos po ‘yung kutsilyo at tinamaan ang internal organs ni Angelo.”
Angelo regains consciousness as condition improves
Sa kasalukuyan, bumubuti na raw ang kondisyon ng kanyang kapatid at nagkamalay na ito pero nananatili parin ang child actor sa ICU.
“Hindi pa po siya masyadong responsive, pero nagising na po siya. Successfully, naibalik po yung spleen niya. Hinihintay na lang po namin na ma-transfer siya sa recovery room kasi nasa ICU pa rin siya ng ospital.” pagbabahagi ni Matthew.
