Josh Aquino called ‘Walang Kwenta’ on Machong Chismisan Podcast

Tumaas ang dugo ng mga netizens matapos tawaging ‘walang kwenta‘ sabay pinagtawanan ang anak ni Kris Aquino na si Josh sa isang podcast ng Machong Chismisan.
Machong Chismisan Podcast clip about Josh Aquino goes viral
Sa ngayon ay burado na ang naturang poscast pero maraming social media users ang nakapag-screen record at nirepost nila ito online. Sa naturang video, kinutya at pinagtawanan nila si Josh; ang panganay ni Kris.
Naging hot topic kasi nila ang muling pagbabalik ng Queen Of All Media sa trabaho, dito na nila kinumpara sina Bimby at Josh; mga anak ni Kris.
Ani ng isang host : “Si Bimby sobrang okay na anak. Si Josh walang kwenta eh.”
Hindi lingid sa marami na ang panganay na anak ni Kris na si Josh ay may autism.
Autism Society Philippines responds to the viral podcast
Agad naman na nakarating sa ASP o Autism Society Philippines ang naturang video at agad silang naglabas ng pahayag.
Ani ng ASP : “The Autism Society Philippines reminds content creators and podcasters that Republic Act No. 7277, prohibits public ridicule and vilification of persons with disabilities. Violations may carry fines or imprisonment.”
Dagdag pa nila : “Disability is not a punchline. Freedom of expression must never come at the expense of the rights and humanity of persons with disabilities.”
Sa ngayon, hindi pa naglalabas si Kris ng kanyang pahayag tungkol sa viral podcast.
