Jacob Aaron Polintan, Cause of Death confirmed by family

Bulacan, Philippines – Kinumpirma ng pamilya at mahal sa buhay ni Jacob Aaron Polintan 24, na ang kanyang cause of death ay isang motorcyle accident.
Ayon sa kanyang kapatid na si Justine Rey Polintan, naaksidente si Jacob Aaron madaling araw ng October 7 sa tapat ng isang mall sa Malolos, Bulacan.
May suot na helmet raw ang Mr. Philippines 2026 Culture and Arts Ambassador at ang Ginoong Bulacan 2024 pero tumalsik raw ito sa lakas ng impact pero wala namang nadamay na iba pa sa naturang aksidente.
Ani Justine : “Sobrang lakas daw po yung impact. Natanggal po ‘yung helmet po niya.. Wala pong nabangga, wala pong truck driver, wala. Sarili niya lang po. Mag-isa lang po siya.”
From Ginoong Bulacan to the National Pageant stage
Kung ating babalikan, mas nakilala si Jacob Aaron matapos niyang masungkit ang title ng Ginoong Bulacan 2024, kung saan kinatawan niya ang bayan ng Paombong.
Dahil sa kanyang tagumpay, nagkaroon siya ng pagkakataong lumaban sa mas malaking stage at kinatawan niya ang Probinsya ng Bulacan sa Mr. Philippines 2026.
Nakapag-advanced siya sa Top 11 ng pageant at kinilala rin bilang Mr. Philippines 2026 Culture and Arts Ambassador.
Marami sa kanyang mga supporters ang nagulat at nalungkot sa biglaang pagpanaw ni Jacob. Anila na mas malayo pa sana at mas maraming tagumpay pa ang kaya nitong abutin sa mundo ng pageantry.
