BINI submits three Entries for the 2027 Grammy Awards

Tuloy na tuloy na ang pagpasok ng Nation’s Girl Group o BINI sa international music scene matapos mag-submit ang grupo ng tatlong entries for consideration para sa 2027 Grammy Awards.
Ani ng Star Music : “Let’s keep supporting BINI, and Filipino music and talent as we take our step to the global stage,”
Ano ang tatlong entries ng BINI para sa Grammys?
Narito ang mga entries na ipinasa ng BINI :
- Unang Kilig – Best Asian Pop Music Performance
- A Parallel World – Best Song Written for Visual Media
- BINI – Best New Artist
Unang Kilig
Kabilang sa mga entries na ipinasa ng BINI para sa 2027 Grammy Awards ay ang kantang ‘Unang Kilig’ para sa category na Best Asian Pop Music Performance.
A Parallel World
Ang kantang ‘A Parallel World’ ay mula sa DreamWorks Animation film na ‘Forgotten Island‘. Ipinasa nila ito for consideration sa category na Best Song Written for Visual Media.
BINI – Best New Artist
Ang huling entry na ito ay ang pagsasaalang-alang sa BINI para sa category na Best New Artist.
Ang award na ito ay : “recognizes an artist whose eligibility-period release(s) achieved a breakthrough into the public consciousness and notably impacted the musical landscape.”
Hindi pa Official Grammy Nominations
Bagama’t naipasa na ang tatlong entries ng BINI, hindi pa ibig sabihin o nangangahulugang official Grammy nominations na ito.
Ayon sa Grammys, ang mga entries na ipinasa sa Online Entry Process ay isa-isang sinusuri upang matukoy kung eligible o qualified ang mga entries bago magpatuloy sa voting process.
Anila : “Once we receive submissions, each entry is individually and manually vetted by a member of the Recording Academy’s Awards staff to determine its eligibility.”
Sa ngayon, patuloy na umaasa ang mga fans ng BINI na sana ay makapasok ang entries nila sa Official nominations.
Hindi lang ito panibagong milestone para Nation’s Girl Group dahil maging pag-angat rin ito sa Filipino music sa buong mundo.
