Sarah Lahbati says Annabelle is scarier than Barbie

Inamin ng aktres na si Sarah Lahbati sa isang interview kay Darryl Yap na mas natatakot siya kay Annabelle kaysa kay Barbie doll.

Sa one on one interview ng direktor, naitanong niya sa aktres at sa dating asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah kung kanino siya mas natatakot, kay Annabelle ba o kay Barbie doll.

Tanong ni Darryl : “Kanino ka mas natatakot, kay Annabelle o kay Barbie? ‘Yung manika ‘to ha?”

Sarah Lahbati explains why Annabelle doll scares her more

Agad naman na sinagot ito ng aktres at inamin na mas natatakot raw siya kay Annabelle dahil masyadong unpredictable raw ito.

Pagdating naman raw kay Barbie doll ay talagang nagagandahan siya.

Sagot ni Sarah : “Si Barbie kasi, the manika.. maganda, maganda lang siya eh.”

Sagot ni Darryl : “Ay ganda lang siya, si Barbie?”

Pagpapatuloy ng aktres : “Oo, noong bata ako, ‘yun yung nilalaro ko.. and I think I wouldn’t be scared of her, kasi I played with her as a kid growing up. Pakiramdam ko mas nakakatakot si Annabelle doll because unpredictable siya, ‘di ba, sa pelikula, hindi mo alam ‘yung gagawin niya.”

Netizens connect the interview to Richard Gutierrez and Barbie Imperial

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa interview na ito ni Sarah dahil tila konektado ito sa tunay na buhay niya.

Hindi lingid sa marami na si Annabelle Rama ay ang ina ng kanyang dating asawa na si Richard Gutierrez na kasalukuyan boyfriend ng aktres na si Barbie Imperial.

Ani ng netizens : “Mas better sana if sinabi nyanh . “Ganda lang sya eh, kaya andaming naglalaro at naglaro na sa kanya” boom!”

“I guess, Sarah and Barbie are both beautiful! I wouldn’t blame Sarah for having Annabelle as the unpredictable! Must be hard to have a mother n law who has a foul mouth.”

Dagdag pa ng isa : “Not a fan of both…. Pero ung sinsabi nya Kasi if read it between the lines may meaning patama Kay barbie….sa pgkkaalam ko matalino si barbie. Valedictorian ata sya sa school nila noon.”

Secret Link