Nahaharap ang The Icon Clinic ni Dr. Eric Yapjuanco o mas kilalang Doc Yappy sa work stoppage order na inilabas ng DOLE o Department Of Labor and Employment dahil sa mga violations.
Kung ating babalikan, binanatan ni Sen. Raffy Tulfo ang plastic surgeon sa budget hearing ng Senado noong September 30, kaugnay sa pagkamatay ng dalawa nitong pasyente.
Ayon kasi kay Raffy, dalawa na raw ang confirmed na namatay dahil sa umano’y malpractice ni Yappy, habang ang pangatlong kaso naman ay under verification pa.
Dole vs Doc Yappy’s The Icon Clinic.
Inilabas ng DOLE ang “work stoppage order” laban sa The Icon Clinic noong October 7, 2026, matapos ang naging inspeksyon sa clinic noong mga buwan ng May at October, kung saan natukoy ang ilang hindi pagsunod sa OSHS o Occupational Safety and Health Standards.
Ayon sa inspector ng DOLE na si Bernie Sagad, hindi rin nakapag-submit ang The Icon Clinic ng ilang kinakailangang occupational safety and health reports at mga mandatory documents.
Tulad ng mga :
- Annual Medical Report (AMR)
- Annual Work Accident/Illness Exposure Data (AEDR)
- Employer’s Work Accident/Illness Report (WAIR)
- Reportorial requirements ng DOLE
Napansin rin ni Sagad na kulang at nag-iisa lang ang safety personnel ng The Icon Clinic.
Ayon sa inspector, dapat raw ay hindi bumaba sa dalawa ang safety officer ni Doc Yappy dahil nasa high-risk workplace category ang negosyo ng plastic surgeon.
Samantala, nabigyan umano ang naturang clinic ng 24 hours para makasunod sa requirements.
May 10 days naman sila para mag-submit ang clinic ng memorandum na naglalaman ng kanilang tugon kaugnay sa work stoppage order ng DOLE.


