Masayang ibinahagi ng aktor na si Zanjoe Marudo ang isang magandang balita tungkol sa muling pagbubuntis ng kanyang asawa na si Ria Atayde.
Zanjoe Marudo Confirms Ria Atayde’s Pregnancy.
Sa special screening ng pelikulang “Apol of My Ai“, personal na kinumpirma ni Zanjoe sa mga media ang pregnancy ng kanyang misis na si Ria. Aniya, hindi pa lamang nila ito opisyal na inaanunsyo sa publiko.
Sa naturang panayam, kinamusta lang ng media ang pamilya ng aktor pero diretsahang sinabi ni Zanjoe na buntis ulit si Ria.
Bungad ni Zanjoe : “Buntis si Ria, buntis siya.. hindi lang namin ina-announce.”
Agad na naging usap-usapan sa social media ang rebelasyon na ito ng aktor. Hindi lingid sa marami na matagal naging private ang mag-asawa tungkol sa kanilang personal na buhay.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Zanjoe kung ilang buwan nang buntis na si Ria. Agad itong naitanong sa aktor pero kailangan niya raw munang tiyakin ang impormasyon bago niya ito sabihin.
Aniya : “Bilangin ko. Pag sure na ako sabihin ko.”
Blessing para sa mag-asawa si baby No. 2
Para sa aktor, malaking blessing sa kanilang dalawa ni Ria ang kanilang baby no. 2, anuman ang maging gender ng kanilang baby, sinabi ni Zanjoe na masaya siya at nagpapasalamat sa panibagong biyayang dumating sa kanilang pamilya.
Dagdag pa niya : “Oo naman, siyempre, blessing yun..”

