Ate Gay, na diagnosed ng stage 4 cancer.

Courtesy : Ate Gay

Ikinalungkot ng maraming netizens ang ibinalita ng KMJS na diagnosed ng stage 4 cancer ang komedyanteng si Ate Gay.

Malaking pagsubok sa kanyang kalusugan ang hinaharap ngayon ni Gil Aducal Morales 54, o mas kilala ng marami bilang si Ate Gay sa mundo ng komedya.

Nagsimula sa showbiz si Ate Gay taong 1999 sa pelikulang “Sa Paraiso Ni Efren”, pero mas nakilala siya ng marami bilang impersonator ni Superstar Nora Aunor at dito na ipinanganak ang kanyang stage name bilang si ‘Ate Gay’.

Kung ating babalikan, taong 2021 na diagnosed ang komedyante ng isang rare skin disease na dahilan sa kanyang pag-agaw buhay sa ospital, hindi niya umano maintindihan ang sakit na ito dahil ang kanyang balat sa buong katawan ay nagsusugat.

Bago siya nagkaroon ng rare skin disease, ibinahagi ng komedyante na kakatapos lang din niyang magpagamot sa sakit niyang TB o Tuberculosis sa loob ng anim na buwan.

Courtesy : Ate Gay rare skin disease
Courtesy : Ate Gay rare skin disease

Ani Ate Gay : “Nagbabalat yung balat mo. Hindi mo kakayanin pag hindi ka malakas. Ang hirap ng pinagdaanan ko sa sakit na ito.

“Lahat, halos… hindi makatulog dahil baka mamaya diyan mawawala yung balat mo. Biglaan ‘to, eh, siguro nung pandemya.” pagbabahagi ni Ate Gay.

Matapos maka-recover, sinabi umano ng doktor sa kanya na ito raw ay pangalawang buhay na ng komedyante matapos itong makipaglaban sa kanyang rare skin disease.

Sa latest update naman tungkol sa kalusugan ni Ate Gay, dito na niya ibinahagi na walang lunas ang kanyang sakit na cancer, ayon pa sa kanya na baka raw ay hindi na siya umabot sa taong 2026.

Courtesy : Ate Gay
Courtesy : Ate Gay

Ani Ate Gay : “Mahirap ngayon ang lagay ko… May kanser ako, stage 4 daw. Magtatagal [pa] ba ang buhay ko?

“Ang sabi [ng doktor], hindi na daw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin, hindi na rin daw ako puwedeng operahan. Wala raw lunas, masakit [para] sa akin.

“Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord, although lagi kong sinasabi na walang himala [pero] kailangan ko po ng dasal.

“Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon.” dagdag ni Ate Gay.

Sa ngayon ay humihiling ng panalangin ang komedyante na si Ate Gay para maka-recover siya sa karamdaman niyang ito.