Sara Duterte Says her Mother wants Baste to Run for President in 2028

Ibinahagi ni Sara Duterte na gusto ng kanilang ina na si Elizabeth Zimmerman na ang tumakbong pangulo sa 2028 ay si Davao City Mayor Baste.

Sara Duterte says Elizabeth Zimmerman wants Baste to Run.

Pero nilinaw ni Sara na hindi pa napag-uusapan ng kanilang pamilya kung sino ba talaga ang karapat-dapat na tumakbo bilang pangulo ng ating bansa sa darating na 2028 national elections.

Maging silang dalawa raw ni Baste ay hindi pa nakakapag-usap kung gusto ba raw ng kanyang kapatid na tumakbo bilang pangulo o halili sa kanyang kandidatura sa pinakamataas na posisyon sa politika.

Ani Sara : “Hindi naman napag-usapan ni Mayor Sebastian Duterte ang pagtakbo niya bilang pangulo.”

Sara says her Mother wants her to ‘Return to Davao’.

Ibinahagi rin ni Sara na maging ang kanyang ina na si Elizabeth ay mas gustong si Baste Duterte nalang ang tumakbo. Pinapauwi nalang raw siya ng kanyang ina sa Davao para sa mas tahimik na pamumuhay.

Aniya : “Pero sa tingin ko nabanggit ko na ito dati, publicly, nabanggit ko siguro sa interview o sa speech ko na nagsabi talaga ang nanay ko na pinapauwi niya sa ako ng Davao [City] at si Baste na lang daw ang patakbuhin sa national elections.”

Dagdag pa niya : “Sa pamilya namin, ‘yun lang ‘yung napag-usapan or sinabi ng nanay ko. Sinabi ng nanay ko na ‘umuwi ka rito sa Davao’ at sinabi niya na ‘bahala na si Baste diyan sa national’.”