Civil Engineering Board Exam 2026 Results : Cebu Graduates Take Top 2 Spots

Manila, Philippines — Inilabas na ng PRC o Professional Regulation Commission ang results ng September 2026 Civil Engineers Licensure Examination (CELE) ngayong araw Friday, October 2, kung saan dalawang graduates mula sa Cebu ang nakakuha ng Top 1 at top 2 slots.

Ayon sa PRC, isinagawa ang Civil Engineers Licensure Examination noong September 26 at 27.

Umabot sa 17,062 ang examinees habang 6,337 lang ang nakapasa, katumbas ito ng 37.14% na passing rate.

Top 1 and Top 2 Civil Engineering Board Exam Passers 2026.

1st Place — Jude Bernard Villarba Miñoza; 93.95%.

Si Jude Bernard Villarba Miñoza ng Cebu Institute of Technology–University (CIT-U) ang nakakuha ng TOP 1 spot sa September, 2026 Civil Engineers Licensure Examination.

2nd Place — John Lester Alonzo Ferrer; 93.70%.

Si John Lester Alonzo Ferrer ng Cebu Technological University (CTU) Main-Dumanjug Extension Campus ang nakakuha sa TOP 2 spot.

Cebu Graduates nanguna sa CELE.

Kapansin-pansin na parehong graduates mula sa Cebu Universities ang nakakuha ng Top 1 at Top 2 slots sa September 2026 CELE.

Isinagawa ang CELE examination sa 19 testing centers sa buong bansa.

Umabot lang sa 6,337 ang nakapasa sa CELE.

Sa lahat ng 17,062 na examinees ay 6,337 lang ang nakapasa. Para sa mga nakapasa, sinabi ng PRC na magsisimula ang online registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa November 11, 2026.

Samantala, ang date at venue para sa “oathtaking ceremony” ay iaanunsyo pa ng PRC.

Congratulations! kina Jude Bernard Villarba Miñoza at John Lester Alonzo Ferrer, gayundin sa lahat ng nakapasa sa September 2026 Civil Engineers Licensure Examination.