Doc Yappy Linked to Medical Malpractice issue after Raffy Tulfo remarks

Naging usap-usapan ang celebrity plastic surgeon na si Dr. Eric “Doc Yappy” Yapjuangco matapos banatan ni Sen. Raffy Tulfo ang kanyang PRC o Professional Regulation Commission license kaugnay sa pagkamatay ng dalawa nitong pasyente.

Sa budget hearing ng Senado noong September 30, binigyang diin ni Tulfo ang umano’y mabagal na aksyon ng PRC laban sa plastic surgeon.

Ayon sa mga ulat, dalawa na ang pumanaw sa mga kamay ni Doc. Yappy. Ang unang kaso ay noong 2017 at ang mas bagong insidente ay noong March 2026 lang. Ang mga procedures na isinagawa sa dalawang biktima ay sinabay-sabay sa iisang session lang.

Raffy Tulfo vs PRC and Doc Yappy.

Sa naturang pagdinig sa Senado, may malaking katanungan si Raffy sa PRC Chairperson na si Charito Zamora kung bakit nananatiling fully operational ang clinic ni Yappy matapos ang maraming reklamo.

Nagtataka ang senador kung bakit hindi pa siya nakasagap ng balitang may mga doktor na tinanggalan ng lisensya ang PRC dahil sa ganitong uri ng mga kaso.

Ani Raffy : “Wala pa akong alam na doctor na so far na napabalita na tinanggalan nila ng lisensya.”

Binanggit din ng senador ang nangyari noong 2017, kung saan isang 29 years old na negosyante ang pumanaw sa kamay ni Yappy matapos sumailalim sa breast, buttock at liposuction procedures nang sabay-sabay.

Ang kaso ng plastic surgeon noong 2017 ay inihain sa PRC Board of Medicine taong 2021 ngunit hanggang sa ngayon ay nasa pending status parin ang kaso.

Ani Raffy : “Three years? Ibig sabihin, ganoon kayo ka-inutil sa PRC.”

Sana raw ay umaksyon na noon pa ang PRC para hindi na nasundan ng bagong kaso. Ayon kasi sa senador, dalawa na raw ang confirmed na namatay dahil sa umano’y malpractice ni Yappy, habang ang pangatlong kaso naman ay under verification pa.

Bukod sa 2017 case ni Yappy, nabanggit din sa hearing ang pagpanaw ng isa pang pasyente noong March 2026. Kaugnay rin ito sa simultaneous cosmetic procedures na isinagawa sa iisang session.

Dahil dito, hiniling ni Tulfo sa PRC na magkaroon ng agarang aksyon at imbestigasyon upang maiwasan na ang bagong insidente.

Sinabi naman ni PRC Chairperson Charito Zamora sa hearing na magsasagawa ang ahensya ng sariling imbestigasyon o motu proprio investigation kaugnay sa bagong kaso. Kinumpirma naman nito na nananatiling pending ang 2017 case ni Yappy.