
Moira Dela Torre Concert Postponed to 2027.
Pasay City, Philippines – Postponed o hindi muna matutuloy ngayong October 4 ang sana’y solo concert ni Moira Dela Torre na “MOIRA : Where It All Started” sa SM Mall of Asia Arena.
Ito ay inanunsyo mismo ng “Ovation Productions“, ang umaasikaso sa promotions ng concert ng singer na originally ay naka-scheduled sana sa unang linggo ng Oktubre.
Ani ng Ovation : “We regret to announce that the MOIRA: ‘Where It All Started’ concert scheduled for October 4, 2026 at SM Mall of Asia Arena has been postponed to next year.”
Dagdag pa sa pahayag : “We sincerely apologize for any inconvenience this may cause. Further details regarding new dates and other updates are yet to be announced.”
Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng panibagong pahayag ang organizer at wala pa silang ibinigay na dahilan kung bakit kailangan na ma-postponed ang concert ni Moira.
Hindi pa din sila naglalabas ng panibagong “exact date” para sa concert.
Sa mga nakabili naman ng tickets at nais na magpa-refund, direktang makipag-ugnayan sa mismong website ng SM Ticketmaster o sa kanilang customer support.
Narito ang ticket pricing ni Moira Dela Torre sa kanyang solo concert :
- VVIP: P8,850
- SVIP A: P5,750
- SVIP B: P5,250
- VIP A: P4,750
- VIP B: P4,250
- VIP C: P3,750
- BOX Premium: P2,750
- BOX Regular: P1,750
Sa ngayon, kailangan munang maghintay ng mga fans para sa bagong schedule ng concert ni Moira.
Kapag may inanunsyo ng bagong date at iba pang details ang organizer, saka pa lamang malalaman kung kailan muling matutuloy ang much-awaited show ng singer.
