
Ms. Tsung Shares emotional Life Story on Toni Talks.
Manila, Philippines – Usap-usapan sa social media ang malungkot na childhood memories ng content creator at business woman na si Ms. Tsung sa Toni Talks matapos niyang maranasan ang mga paghihirap sa murang edad.
Sa umpisa pa lamang ng naging panayam ng content creator ay agad itong naluha matapos niyang ibahagi kay Toni na hindi niya pala naranasan na makapag-aral sa elementary. Nariyan ang kanyang pagsisi sa kanyang tunay na ina na dahilan kung bakit raw gumulo ang buhay niya.
Ani Ms. Tsung : “Kasi po ‘yung feeling ko siya ‘yung nagpagulo ng buhay ko.. Hindi po kasi ako tulad ng iba na nag-aral.. [hindi ako] nag-elementary.. nag-highschool.. nag-college and then.. nag-trabaho.. hindi po kasi..”
Pagbabahagi pa ni Tsung na sa edad niyang 14 ay namasukan na siya bilang kasambahay o katulong dito sa Maynila para mabuhay ang tatlong mga kapatid niya sa bagong pamilya ng kanyang ina.
Mangiyak-ngiyak na nai-kwento ng content creator na sa sobrang hirap nila dito sa Maynila dahil umabot na sa tatlong araw na wala silang kinain.
Nahihilo na raw sila sa gutom at ang tanging sambit lang raw ng ina niya na huwag masyadong malikot para hindi maubos ang energy nilang magkakapatid.
Aniya : “Bali ako po kasi ‘yung nangungutang.. mas matapang kasi ako sa kanya [ina niya].. pag gutom na po kami ako po ‘yung nangungutang sa tindahan and then pag-tinatanong niya.. hindi ko na kaya kasi nahihilo na [ako] mga 3 days na po kami na hindi kumakain.. minsan sabi samin ni mama na; ‘oh huwag kayong tumayo kasi ‘yung energy niyo.. baka maubos ‘yan’.”
Ms. Tsung, pumasok sa club para mabuhay ang mga kapatid.
Sa pagpapatuloy pa ni Tsung, matapos siyang mamasukan bilang kasambahay, nakapag-trabaho rin siya sa factory at sa club sa edad na 18.
Chika ni Ms. Tsung : “Ayon po lasingan po siya and then.. ‘yung mga matatanda po ganyan minsan po mabaho po ganyan.. eh sinasabihan nga po ako ng mga tao pag lumalabas [sa work] pokpok pero hindi naman namin ‘yun choice.”
Chika pa niya na ilang beses na siyang nababastos sa club, may mga lasing raw na biglang hinahawakan ang mga private parts niya kaya dapat raw ay mabilis kang umiwas.
Aniya : “Commission lang po kasi namin ay 50 pesos tapos mahihipuan ka pa.. kailangan po naming uminom ng sobrang dami.. hindi po kasi ako umiinom ng alak so ang iniinom ko po dun is Cali.. so kailangan namin na uminom ng 30pcs.. 25pcs para makapag-uwi ka kahit paano maraming pera.”
Naibahagi rin ng content creator na maaga siyang nag-asawa sa edad na 19.


