Inakusahan ni Diane Abby Tupaz na gawa sa ChatGPT ang ‘public apology’ ni Nicolas Villanueva, ang rider na biktima ng asawa niyang si Niño Muhlach sa vehicular accident sa Antipolo City.
Kung ating babalikan, inararo ni Niño ang mga establisimyento sa Marcos Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City noong August 23.
Ani Niño : “I want to be completely clear and honest: The accident was entirely my fault.”
Dagdag pa niya “While fatigue overtook me, that is no excuse. Falling asleep at the wheel led directly to hitting a pedestrian and damaging nearby establishments.”
Isa si Nicolas Villanueva sa naging biktima sa naturang aksidente, kasama siya sa inararo ng sasakyan ng aktor maging ang kanyang motorsiklo ay nasira at hindi na mapakinabangan.
Agad naman siyang isinugod sa ospital at binisita pa siya ni Niño upang masigurado ang kanyang kaligtasan. Matapos ang tatlong linggo ay naging sunod-sunod na ang mga social media posts ni Nicolas.
Sinisingil niya ng isang bagong motorsiklo ang aktor dahil hanggang sa ngayon raw ay hindi pa ito ibinibigay sa kanya.
Ani Nicolas : “Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo. Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo parin pinapalitan.”
Dito na pumalag ang asawa ni Niño na si Diane, aniya na hindi nagkulang ang kanyang asawa na mabigyan ng tulong si Nicolas.
Ani Diane : “Yung post na kumakalat eh parang pinapalabas na wala manlang ginawang tulong si Niño Muhlach sa taong naperwisyo nya sa aksidente” HINDI YAN TOTOO!”
“Sa taong nahospital na si Nicolas Villanueva, araw araw sinisiguro ni Niño na natututukan ng mga doctor si Nicolas and naibibigay sa kanya lahat ng gamot na kailangan nya. Sinigurado din ni Niño na nabibigay yung araw araw na pangangailangan ni Nicolas Villanueva and ng family nya habang nasa hospital sila.”
“Cash pang food, mini grocery, travel expenses, and pati pang baon na money sa school ng daughter ni Nicolas… And yung sa “motor” huwag ho kayong mag alala kasi siguradong mabibigyan yan ng kapalit, hindi naman tatakas si Niño ng dahil lang sa motor.”
Bahagi pa ng kanyang pahayag : “Hindi sila pinababayaan ni Niño… Hindi tumigil sa pag bigay ng tulong si Niño lalo na kay Nicolas Villanueva and hanggang ngayon tuloy tuloy parin ang pag suporta ni Niño sa gastusin ni Nicolas Villanueva dahil may mga check up pa sya.”
Nicolas Villanueva apologizes to Niño Muhlach and family
Matapos pumalag si Diane kay Nicolas, agad na naglabas ng kanyang public apology ang rider sa social media.
Ani Nicolas : “Isang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa inyong lahat. Ako ay humihingi ng malalim na na patawad sa aking mga nasabi at nagawa kamakailan.”
Para sa asawa ni Niño, hindi sila kontento sa public apology na ito ni Nicolas at mukhang gawa pa sa AI o ChatGPT ang naturang pahayag.
Ani Diane : “Sa totoo lang, hindi po happy yung family namin sa public apology niya. Hindi niya pa rin kinlaro na hindi naman talaga pinabayaan ni Niño yung pagsuporta sa kanya simula umpisa. Hindi niya binanggit lahat ang mga naibigay ni Niño sa kanya at sa pamilya niya para maklaro sa mga tao na hindi naman sila tinalikuran.”
Chika pa ni Diane : “Hindi niya kinlaro yung pagkakamali niya kay Niño, na ikinasira ni Niño sa mga tao. Na sigurado na kung hindi ako pumalag sa post ni Nicolas about Niño, e, dadami and hindi titigil yung grabeng pangba-bash kay Niño. And hindi sincere yung apology niya. Parang na-Chatgpt pa nga.”



