Why not? ito ang sagot ng talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa panawagan ni Lav Diaz na tumakbo si Vice Ganda for President sa 2028.
Kung ating babalikan, nagsimula ang ‘Vice Ganda movement for 2028’ o ang panawagan na tumakbo si Vice bilang pangulo sa susunod na halalan dahil sa isang podcast ng award winning Indie film direktor na si Lav Diaz.
Sa Youtube channel na “Ang Walang Kwentang Channel”, dito na nila napag-usapan ang taong makakaharang kay Sara Duterte papuntang Malacañang sa 2028, dahil aminado sila na malakas talaga ang mga Duterte sa kasalukuyan.
Ani Lav Diaz : “Seryoso ‘yan ha? seryoso [yan], kasi napaka-bleak ng future [natin] kapag hindi natin mawasak ‘yung wall na ‘yun, ‘yung Sara Duterte wall, which is coming.. which is coming,
“It’s only 2 years away.. Gamitin natin ang ‘Pop Culture’ to destroy that [Sara wall]. Sino ba ang pinaka-icon sa pop culture ngayon? Vice Ganda, at maganda rin ang pananaw ni Vice. Gamitin natin, let’s use that, kasi ‘yun na ‘yung labanan eh,” pahayag ni Diaz.

Sa latest vlog naman ng talent manager na si Ogie Diaz, dito na nila pinag-usapan ang tungkol sa hakbang na ito para tumakbo ang komedyante sa susunod na halalan.
Panimula ni Ogie : “Alam mo sa totoo lang nuh? sabi nga nila ang pagiging presidente ay destiny.. malay mo destiny nga ni Vice ‘yan,
“Dahil kung matatandaan ko pa dati, sabi ni Vice.. kung tatakbo din man lang siya sa politika eh tatakbo na siya bilang presidente.. oo, hindi lang senador.. doon na sa pinakamataas.. kung maghahangad ka manlang ng mataas doon na sa [pinaka] mataas,
“Alam mo sa totoo lang nuh? Why not? diba? eh kasi syempre ang mga tao ngayon, talagang gusto nila ‘yung mga palaban.. gusto nila Gen Z..” dagdag ni Ogie Diaz.

Pahayag naman ni Mama Loi : “Eh hindi naman talaga matatawaran ‘yung talino ni Meme [Vice], alam naman natin na matalino siya..”
Dito na ibinahagi ni Ogie na ‘Political Science’ pala ang kursong kinuha ni Vice Ganda sa FEU o Far Eastern University kaya mahusay at magaling sa debate ang komedyante, pero hindi sigurado ang talent manager kung natapos ni Vie ang kanyang kurso.
Marami naman sa mga netizens ang napa-isip kung mapapa-payag ba si Vice na pumasok sa politika.
Ani ng netizen : “I believe Vice Ganda will also disagree on this. Sabi nga niya, di siya tatakbo lalo na at alam niya kung saan lang ang kapasidad nya. For sure magiging sensible siya on this at susuportahan niya yung nararapat na kandidato na maupo at maging lider ng bansa.”
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Vice Ganda tungkol dito.