Inamin ng two-time gold olympics medalist na si Carlos Yulo na mas mabuti raw na hindi na dumalo ang kanyang mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew sa kasal nila ni Chloe San Jose.
Usap-usapan sa social media ang naging panayam nina Carlos at Chloe sa Youtube program ni Karen Davila at dito na nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang nalalapit na kasal.
Pagbabahagi pa ni Carlos na sa mismong araw ng kanilang kasal, mas ikakabuti raw ng lahat na huwag pumunta ang kanyang mga magulang para sa ikakatahimik ng lahat.
Ani Carlos : “Kasal po namin ‘yun and relationship po namin ‘yun and mas pipiliin kong kami na lang [ni Chloe]. Ayaw ko din masira ‘yung moment namin para sa’ming dapat dalawa.”
Para kay Carlos, matagal na raw niyang napatawad ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi raw ibig sabihin na kaya pa nitong maibalik ang dati nilang mga relasyon.
Sa mismong kasal nila ay mas gusto ng atleta nang tahimik, private at hindi na dapat pa mabahiran ng issue, galit at sumbatan ang masayang selebrasyon nila ni Chloe.
Pagpapatuloy ni Carlos : “Ayaw ko ‘yun mamantsahan pa, and madami na din silang ginawa na pinatawad ko na. And hanggang du’n na lang din po.”
Dagdag pa niya : “So, hindi po. Gusto ko samin lang po ‘yun and I really wanted to be really full of love and joy kapag nangyari po ‘yun.”



