Sara Duterte, nanawagan kay Bongbong Marcos na mag-resign.

Matapang na hinamon ni Vice President Sara Duterte ang Pangulo ng ating bansa na si President Bongbong Marcos Jr. na mag-resign o bumaba na sa kanyang pwesto.

Sa naging talumpati ni Sara ngayong araw sa Elliptical Road, Quezon City, nanawagan siya kay BBM na mas mabuti raw na umalis na sa pwesto ang pangulo para sa ikakabuti ng ating bansa.

Ani Sara : “Walang drama sa kalagayan ng bayan natin ngayon. Halos hindi na magkasya ang inyong pera para sa pagkain, para sa kuryente at para sa tubig. Walang dala si Marcos kundi pahirap sa taumbayan.”

Chika pa ni Sara na sobrang mahal niya ang taumbayan at nahihiya na raw siya sa ginagawa ng kasalukuyang administrasyon dahil mas inuuna raw ng gobyerno ang kasakiman.

Pahayag ng Bise : “Mahal ko kayo. Kaya nandito ako kasi ayon sa sinabi ko, nahihiya ako sa iyo. Nahihiya ako na maging opisyal ng gobyerno kung saan inuuna ng mga politiko ang kanilang sarili. Inuuna nilang protektahan ang kanilang kasakiman. Tandaan ninyo patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay ‘Bongbong Marcos’”.

Pagpapatuloy pa niya : “Resign, umalis ka dyan. Sinungaling ka, abusado ka, korap ka. Mga kababayan, ito ay hindi laban natin, kundi pakikipaglaban natin para sa ating mga anak. Dahil hindi tayo tulad ng mga politiko na may mga bahay sa iba’t-ibang lugar sa mundo, na kung lumubog ang bayan, ay napakadali para sa kanila na umalis at iwanan tayong lahat dito. Iwanan ang ating mga anak.”

Dagdag pa niya : “Tandaan ninyo, ang bumili ng pera ng mga bahay nila ay pera ng taumbayan. Ipaglaban natin ang ating mga anak. Sila ang lalangoy sa baha kung hindi natin tapusin ang korapsyon, ang pag-aabuso at pagsisinungaling.”

Share this article :