Pinagkikitaan ni Bea Borres sa vlog ang kanyang ex na si Meray Yamada.
Kinilig ang mga netizens matapos ilabas ni Bea Borres ang isang vlog kasama ang tatay ng kanyang anak at ex niyang si Meray Yamada.
Hindi lingid sa marami na noong ipinagbubuntis ni Bea ang kanyang anak na si Baby Hope ay ‘no show’ ang nakabuntis sa kanya, ito ay si Meray na isang Filipino-Japanese basketball player.
Nilinaw rin ng vlogger na hindi niya talaga pinagamit ang apelyido ng kanyang ex-boyfriend at tanging ‘Borres’ lang ang nakasulat sa birth certificate ng kanyang anak.
Ani Bea : “Being called a single mother never really bothered me because I’m confident and know what I’m capable of & one of the proudest moments of my life as a woman was choosing to give my daughter my last name.”
Kung ating babalikan noong May, 2026 sa “Fast Talk With Boy Abunda”, ibinahagi ni Bea na sinubukan raw nilang ayusin ni Meray ang kanilang relasyon para sa kanilang anak pero hindi talaga nag-work out.
Ani Bea : “I tried, nagsama kami, nag-acting kami bilang pamilya pero bumalik lahat ng sakit, eh. Kasi when I was pregnant wala talagang anything, eh. Siguro nag-e-expect pa rin ako na he would try kasi nakalabas na yung daughter namin pero wala talaga.”
Ngunit sa latest vlog ni Bea, kasama niya rito si Meray at nilinaw niya na “for the content” lang ang collab nilang dalawa, gagatasan raw niya ang kanyang ex para naman may maambag ito sa buhay nila ng kanyang anak.
Chika ni Bea : “You know why I’m doing this? Coz you don’t wanna give me money, so, eh malakas yung engagement kapag kasama ka eh, so gagatasan na lang kita.”



