Inilabas na ng Realme ang bago nilang midrange smartphone at ito ang 15 Pro 5G, ano kaya ang mga specs nito at price in the Philippines?
Kilala ang Realme dahil sa kanilang mga affordable smartphones o gadgets, dahil narin sa magandang gaming performance at long lasting battery ng mga ito kaya marami sa ating kababayan ngayon ang mas pinipiling gumamit sa brand na ito.
Magkano ba ang Realme 15 Pro 5G? Habang sinusulat namin ang article na ito, available na ito sa kanilang mga online stores. Para sa 256GB ROM/12GB RAM – P24,499 habang sa 512GB ROM/12GB RAM naman ay P25,499.
May dalawang available colors na pagpipilian sa smartphone na ito : Flowing silver at Velvet green na may leather textured protection ang likod para sa mas kumportableng pakiramdam habang hawak mo ito.

May bigat itong 187 grams, may screen size display na 6.8 inches at may display curved type na 44.8° Quad Curve+ AMOLED, ito rin ay may display protection ng Corning Gorilla Glass 7i, kaya makaka-sigurado ka na matibay at protektado ang smartphone mo.
Kung balak mo naman itong gamitin for ‘gaming’ tiyak magiging satisfied ka sa product na ito dahil meron na itong 7,000 mah battery capacity na may 80W Supervooc fast charging feature.
Kung sa operating system naman ang pag-uusapan, ang 15 Pro 5G ay naka Realme UI 6.0 at powered na ito ng Android 15. Nakikipagsabayan na talaga ang brand na ito sa ibang mga big brands gaya ng Samsung, Oppo, Huawei at marami pang iba.
Cameras :
Rear (back) triple camera :
- 50MP main Sony IMX896 OIS
- 50MP ultrawide
- 50MP
Front (selfie) camera :
- 50MP
Sensors :
- Proximity Sensor
- Ambient Light Sensor
- Color Temperature Sensor
- E-Compass
- Accelerometer
- Gyroscope
- In-Display Fingerprint Sensor
What’s in the box?
- Realme 15 Pro 5G device
- 80W SUPERVOOC Charging Adapter
- Type A to Type C USB Cable
- Warranty Card
- Safety Guide
- Quick Guide
- SIM Ejector Pin
- Protective Case
Para sa mga iba pang uri ng latest gadgets o smartphones bisitahin ang ating Technology category.