Sara Duterte, may warrant of arrest na.

Inilabas na ang warrant of arrest ni Inday Sara Duterte.

Kumpirmado na ang warrant of arrest laban kay Sara Duterte na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98.

Ang arrest warrant na kinakaharap sa kasalukuyan ni Sara ay dahil sa tatlong counts ng grave threats. Ito ay may pyansang P120,000 sa bawat count na umaabot sa P360,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kung ating babalikan taong 2024 sa isang online press conference, galit na galit na ibinahagi ni Duterte na may nakuha na siyang ‘hitman’ para ipatumba sina President Marcos Jr., First Lady Liza at ang dating House Speaker na si Martin Romualdez.

Aaksyon raw ang naturang hitman kapag may nangyaring masama sa kanya o sa buhay niya.

Ani Duterte : “May kinausap na akong tao. Ang sabi ko sa kaniya, ‘Pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Marcos, si Martin Romualdez. No joke, no joke. Ang sabi ko sa kaniya, ‘Pag namatay ako, huwag kang tumigil hangga’t ‘di mo sila mapapatay’.”

Inatasan naman ng Quezon City Court ang mga awtoridad na gumamit ng body camera o magdala ng mga recording devices sa paghain ng warrant of arrest kay Sara.

Sa bagong update, ibinahagi ni Jonvic Remulla na natanggap na ng kampo ni Duterte ang kanyang arrest warrant.

Ani Remulla : “Confirmed that they received the warrant. They intend to post bail ASAP.”

Share this article :