Daniel Padilla, new girlfriend na si Kaila Estrada?

Kaila Estrada and Daniel Padilla relationship
Kaila Estrada and Daniel Padilla

Si Daniel na ba at Kaila ang endgame?

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang balitang new girlfriend na diumano ng aktor na si Daniel Padilla ang aktres na si Kaila Estrada.

Sa latest episode ng Youtube show ng talent manager na si Ogie Diaz, dito na nila pinag-usapan ni Mama Loi ang ‘real score’ at ang tunay na relasyon nina Daniel at Kaila.

New girlfriend ni Daniel Padilla, si Kaila Estrada raw ayon sa source.

Ayon kasi sa source ni Ogie Diaz, si Daniel at Kaila raw ay mag-on na o sila na talaga, nasa sa kanila nalang raw diumano kung isasa-publiko nila o itatago in private.

Ani Ogie Diaz : “Ito na Mama Loi.. may bago ng mag-jowa, si Daniel Padilla daw, may jowa [girlfriend] na, may nagsabi sa’kin [na source], depende na lang [raw] sa kanila kung ide-deny nila o aaminin.”

Kinumpirma umano ang relasyon ng dalawa ng mapagkaka-tiwalaan na source ni Ogie, sumbong pa sa kanya nito na ilang beses na umanong nakita in-public na magkasama ang dalawa, nanonood rin umano sila ng movies together.

Kaila Estrada and Daniel Padilla spotted together
Kaila Estrada and Daniel Padilla sightings

Say ni Ogie : “Tapos ayan, spotted na naman sila [together], magka-sama na naman sila, sa Reddit lumabas [pictures nila na magka-sama].”

Nilinaw naman ni Ogie Diaz na walang magiging problema kung sina Daniel at Kaila nga ay may relasyon, ayon kasi sa talent manager na hindi naman sila ‘taken’ at pareho naman silang mga single.

“Tsaka jusko naman.. wala naman silang sinagasaan o tinapakan., pareho naman silang single.. kahit si Kathryn meron na din [boyfriend] lagi naman silang nakikita ni Mayor Mark Alcala, although wala pang pag-amin” paglilinaw ng talent manager.

Sa ngayon ay marami naman sa mga KathNiel fans ang natuwa kung totoo man na sina Daniel at Kaila ay may relasyon, masyadong disappointed lang ang ibang fans kay Kathryn dahil nali-link ito ngayon sa isang Mayor na hindi maganda ang imahe sa pakikipag-relasyon.

Ani ng netizen : “Buti pa ‘to nag-upgrade. yung ex nya sobrang downgrade. Oo kath kung nababasa mo man to ganon kabasura yang bago mong boyfriend. Mas mabuti pa na itago mo na lang yan kesa bigyan mo pa ng wider platform pati pinas madadamay pa sa katangahan mo sa buhay.”

Netizen comment about Daniel Padilla and Kaila Estrada
Netizen comment about Daniel and Kaila on Reddit

“Honestly, I’ve gotta give DJ credit, it looks like he’s been making good life choices, both in his career and love life, over the past two years since the break up. I can’t really say the same about his ex,”

‘Kaila seems like she knows what she’s doing and has some real substance. They’re both consenting adults, both single, and they’re not using taxpayer money, so I don’t see any problem.” dagdag pa ng isa.

Sa latest update, naglabas na ng pahayag si Daniel Padilla sa pamamagitan ng isang interview, hindi niya diretsahang kinumpirma ang tunay na real score nila ni Kaila Estrada pero humiling ito sa publiko na huwag muna silang ‘kulitin’ ng media.