Angelica Jones, nadismaya sa ‘Miss Flawless’ cover ni Sachzna Laparan.

Pumalag si Angelica Jones sa content creator na si Sachzna Laparan.

Chika pa ni Angelica Jones, na-offend siya matapos ilabas ang cover ni Sachzna Laparan ng kanyang kantang ‘Miss Flawless’ na hindi nagpaalam.

Hindi lingid sa marami na si Angelica ang original singer ng Miss Flawless na ini-release taong 2004, taong 2019 naman inilabas nina Sachzna ang hip-hop remake ng naturang kanta.

August 29, nilinaw ni Angelica sa naging panayam niya sa ‘Your Honor’ na pitong taon niyang kinimkim ang kanyang sama ng loob sa content creator simula 2019.

Ani Angelica : “Nakaka-offend on my part. Wala silang sinasabi na ‘hi, hello, pasensya na po, o sorry.’ Wala, wala. Mahalaga sa akin ang original ‘Miss Flawless’ is Angelica Jones.”

Pahabol pa ni Angelica : “Pero you know what, lahat ng gawaing mabuti ina-award ni Lord. Ang gawaing masama. naniniwala ako na may balik din yan, ang mahalaga e nandito si original Miss Flawless.”

Marami naman sa mga netizens ang kumampi kay Angelica, anila na sa panahon ngayon ay kailangan talaga na bago gumawa ng remake sa kanta ay alam talaga ng original singer.

Ani ng netizen : “Wala man lang Credit to the owner sa OG. Tama po yan, Ma’am Angelica. Isa din si Sachzna sa nagpo-promote ng shugal di man lang mga ma-ban ng CICC.”

“Diba si Sachzna Yung nagalit Kasi may ibang tao may pangalang Sachzna. Dapat Siya lang daw Yung Sachzna.”

Dagdag pa ng isa : “sarap hambalusin nung mga may comment na ginawa lang naman raw inspiration, ginawa nga nilang guni-guni lang yung original singer eh, inspiration? ang inspiration aware sa presensya nung original artist and they should have atleast pay respect dun sa tao.”

Share this article :