Jen Oliveros, napahiya sa Toni Talks.

Anyare kay Jen Oliveros sa Toni Talks?

Usap-usapan ng mga netizens ang naging panayam ng kontrobersyal na content creator na si Jen Oliveros sa Youtube program ni Toni Gonzaga na Toni Talks.

Mukhang napahiya raw kasi ang content creator imbes na makakuha ng simpatya mula sa mga manonood at sa kanyang social media followers.

Sa naturang interview noong August 23, sinagot ni Jen ang mga issue na binabato sa kanya kaugnay sa kanyang mga kapwa content creators na mga kaaway niya.

Tinawag pa na ‘toxic’ at ‘bully’ si Jen ng mga netizens dahil sa hindi magandang behaviour na ipinapakita nito online at lalo na sa kanyang mga livestreams sa social media.

Pagbabahagi pa ni Jen kay Toni : “Sa Live kasi, Ate Toni, parang nandoon na yung buong emotions mo, eh. Parang hindi mo na kailangang i-filter o mag-isip pa masyado, kasi nga, ayun sa Live, kung ano yung nakikita ng tao, ayun na yung genuine na ikaw. Kaya rin siguro may mga times na pinipili ng mga content creator na live na lang para kung mayroon ding questions yung mga tao, eh, direct mo nang masagot, para isahang upo na lang.”

Dagdag pa niya : “Parang ang dami kong gustong sabihin talaga, pero dahil nga ang taas ng emosyon ko, parang hindi ko na napi-filter o napipili yung mga words na kailangan kong sabihin. Hindi ko na masyadong nae-explain. That’s why yung mga tao, madalas, eh, nami-misinterpret ako.”

Matapos ang naturang panayam, nagbigay ng payo si Toni para sa content creator. Pinuri ng host ang panlabas na ganda ni Jen ngunit kailangan pa raw mawork-out ang panloob na ganda ni Oliveros.

Payo ni Toni : “Sobrang ganda ng outside mo. The inside should also be as beautiful as the outside. Ayun na yung iwo-work on [mo]. Na-perfect na yung outside, yung beauty. The beauty is now from within. Ayan naman ang ating iwo-work on.”

Sagot ni Jen : “[kinilig] Thank you, Ate Toni.”

Marami naman sa mga netizens ang natawa at napatanong kung bakit nag-thank you si Jen kay Toni, akala raw ng content creator ay pinupuri ni Toni ang inside beauty niya.

Ani ng netizens : “HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA SHE THOUGHT SHE COMPLIMENTED HER. Read between the lines, girl.”

“Nagulat din ako sa sinabi ni Toni. HAHAHAHA . Alam mo na Jen, need mo pa talaga i-work on ang inside.”

Dagdag pa ng isa : “Ang ganda mo. ang pangit ng ugali mo!! yun ang point ni Toni, bakit mag-tha-thank you? HHAHAHHA.”

Share this article :