Menu
Mga bumaril kay Mima Alicia Lipata sa Caloocan, nahuli na.

Arestado ang dalawang suspek na bumaril kay Mima Alicia Lipata.
Kinumpirma ng PNP o Philippine National Police ngayong araw ng huwebes, July 23 ang pag-aresto sa dalawang gunman na bumaril sa vlogger na si Mima Alicia Lipata.
Ani ng PNP : “I would like to inform the public that we have already arrested the two suspects in the killing of the vlogger, also known as Mima. So we have taken into custody alias ‘MS,’ who is the gunman, and alias ‘GA,’ the driver.”
Ani pa sa ibang ulat : “Naaresto na ang dalawang suspek sa pagpaslang sa political vlogger na si Mima Alicia. Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasakote ang dalawang lalaki sa Mabalacat, Pampanga. Isa sa kanila ang itinuturong gunman, habang ang isa naman ang umano’y nagsilbing driver sa krimen.”
Bahagi pa ng ulat : “Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder, gayundin sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act No. 9516 kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng mga pampasabog. nakuha mula sa kanilang posesyon ang dalawang hand grenade, isang caliber .45 pistol, at isang 9mm pistol.”
Kung ating babalikan, ang cause of death ni Mima Alicia ay mga tama ng bala sa ulo. Walang awa silang pinagbabaril ng kanyang live-in partner sa labas ng kanilang tahanan noong July 17.
Sa pagka-dakip ng dalawang suspek, mapapangalanan na ba kung sino ang mastermind?


