iPhone 17 giveaway ni Ivana Alawi, may issue?

Ano ang issue sa pa-iPhone 17 giveaway ni Ivana Alawi?

Usap-usapan sa social media ang issue ng vlogger na si Ivana Alawi matapos itong magpa-giveaway ng 100 brand new iPhones sa kanyang mga followers.

Ani Ivana : “First time kong mamili [to buy] ng ganito karaming iPhone 17, Para sa inyo gagawin natin ‘to. Share niyo itong video and make sure naka-follow kayo. Comment down kung ano ang gusto niyong color.”

Dagdag pa niya : “Lahat ito is brand new ang makukuha niyo, ₱85,000 ‘yan, iPhone 17 Pro, Lahat ng iPhone 17 na ‘to ay ipapamigay para sa inyo.”

Sa kasalukuyan, umabot na sa 263M reel views ang video na ito ni Ivana sa kanyang Facebook page at humakot rin ng halos 8.5M likes at 6.9M comments.

Ngunit, umalma ang maraming influencers at mga netizens dahil kapalit ng pa-giveaway raw ni Ivana ay kailangan mag-follow sa online casino ng Casino Plus, ito ay licensed at regulated ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Chika pa ng iilan na sa pa-iPhone giveaway raw na ito ni Ivana ay may malaking kapalit. Kaya marami rin raw ang nalululong sa sugal dahil suportado nito ang online casino.

Ani ng netizen : “Let’s keep our eyes open ha, this giveaway is a calculated marketing tied directly to her CASINO, literal GAMBLING! The ₱4.28 million [iPhone 17] cost is nothing compared to the millions she earns promoting platforms like Casino Plus.”

Dagdag pa ng netizen : “it’s meant to make her feel more generous and trustworthy so people, especially younger ones or those hoping for an easy win, will be more willing to try the gambling sites she pushes. Don’t make this lower your guard against something that has ruined so many lives already.”