Courtesy : Jinggoy Estrada

Robby Tarroza, hinamon si Jinggoy Estrada na mag resign.

Hinamon ng dating aktor na si Robby Tarroza si Jinggoy Estrada na mag-resign matapos madamay ang senador sa flood control issue.

Kung ating babalikan, isa si Estrada sa mga pinangalanan ni former Bulacan 1st district Assistant Engr. Brice Hernandez, ang senador umano ay tumanggap ng pera mula sa budget ng flood control projects.

Paglalahad ni Hernandez : “Kung tatanungin nyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman.. si Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at District Engr. Henry Alcantara,”

Matapos ang paglalahad na ito ni Hernandez sa senado, dito na binatikos si Jinggoy online at nakatanggap ng samu’t-saring komento mula sa netizens, isa na rito sa naglabas ng kanyang sama ng loob ay ang dating matinee idol at aktor na si Robby Tarroza.

Sa post ni Tarroza, hinamon nito si Estrada na kung hindi ito magre-resign bilang senador ay ilalabas nito ang tunay na baho at pagkatao ni Jinggoy.

Courtesy : Robby Tarroza post
Courtesy : Robby Tarroza post

Aniya : “Jinggoy mag resign ka na!!! kundi i will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons bat kami naghiwalay. i have ALL the receipts dear. Try me!  pareho lang kayo ng EX ko…, BABOY!!”

Dagdag pa ni Tarroza sa comment section : “I have receipts po! pati si joed mag testtigo paano sila nagkakant*tan habang nangompaña dati for FPJ,”

Sa magkasunod na posts naman ni Robby online, sinabi nito na nakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa kanyang mga viral post tungkol sa senador, tinawag pa nitong ‘bakla’ at ‘sinungaling’ umano si Sen. Estrada.

Courtesy : Robby Tarroza post
Courtesy : Robby Tarroza post

Hindi lingid sa marami na pinabulaanan ni Estrada ang pagdawit sa kanyang pangalan ni Hernandez na konektado siya sa pag-divert ng mga flood control projects budget para sa Bulacan noong 2025 na nagkakahalaga ng P355M.

“Just common sense, will you think? I will be actively participating in this investigation na nandoon siya [Hernandez], kilala ko siya.. nagbibigay siya ng pera sa akin? I should have abstained from this hearing. Malakas ang loob ko dahil I never, I did not, commit any illegal act,” paglilinaw ni Jinggoy.

Sa ngayon, habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Sen. Jinggoy tungkol sa mga banat sa kanya ni Robby Tarroza sa social media.