Menu
Meta, nag-demonitized ng maraming Facebook page.

Na-demonitized rin ba ang iyong Facebook page?
Maraming content creators at Facebook Page owners ngayong buwan ang nagulat matapos na-demonitized ang kanilang pages.
“Your Page lost access to some monetization tools because your content was flagged by our technology. If you’re flagged again, you could lose access permanently.”
Dahil dito ay maraming content creators ang pansamantalang nawalan ng access sa kanilang content monetization program, habang ang iba naman ay natatakot na tuluyan din na mawalan ng earnings sa Facebook.
Ayon sa ibang Facebook creators, mas naging mahigpit ang automated detection systems ng Meta nitong mga nakaraang linggo. Gumagamit ng AI o artificial intelligence si Meta upang suriin ng maayos ang mga contents ng isang page kung ito ay sumusunod sa Community Standards at Partner Monetization Policies.
Kahit ang mga Facebook pages na matagal nang monetized sa platform ay nakatanggap rin ng warning o restrictions matapos ma-flagged ang kanilang contents.
Mga rason ni Meta kung bakit na-demonitized ang isang page.
- Recycled o unoriginal contents
- Copyrighted videos, audio o music
- Misleading o clickbait contents
- Low Quality Contents
- Violation sa Community Standards
- Spam-like posting behavior o artificial engagement
Ngayong buwan June 2026, maraming Facebook Pages ang nakaranas ng demonetization o pagkawala ng access sa monetization tools dahil sa mga contents na na-flagged ng automated systems ni Meta.
Para sa mga content creators, ang pinaka-mabisang paraan upang mapanatili ang content monetization program sa Facebook ay ang pag-create ng original, quality at policy-compliant na contents upang maiwasan ang mga future violations.

