Pulis na tinulak ang rider sa C5, arestado.

Bakit tinulak ng isang pulis ang rider?

Usap-usapan sa social media ang isang viral video ng isang pulis na tinulak ang isang motorcyle rider na si Vincent Cayanes.

Si Vincent mismo ang nagbahagi ng video sa kanyang social media account, nanawagan siya na sana ay makilala at mahanap ang pulis.

Ani Vincent : “Hi everyone, Can you please help me to trace this police officer. Already file case/report at PNP Camp Crame.”

Sa ulat at latest update ng News5, ibinahagi nila na sa wakas ay nahuli na ang naturang pulis na nasa viral video.

Ani ng News5 : “Inaresto na ang police staff sergeant ng Quezon City Police District (QCPD) District Mobile Force Battalion na nakuhanan sa viral social media video na nanulak ng isang motorcycle rider sa C5 Road sa Pasig City, ayon sa National Capital Region Police Office.”

Dagdag pa nila : “Sa naturang video, makikita ang pulis na itinulak ang rider, dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba sa kalsada. Mahaharap ang pulis sa criminal at administrative investigations.”