Aira Seda dela Cruz, binugbog ng asawang Police na si Alimeri.

Anyare kay Aira Seda dela Cruz?

Viral at usap-usapan ang CCTV footage nang pananakit ng Police na si Alimeri dela Cruz sa kanyang asawa na si Aira Seda.

Si Aira mismo ang nagbahagi nito sa kanyang social media na pinagpi-pyistahan ngayong ng mga netizens.

Caption pa niya : “Ilang taon ako nag tiis at pakikisama sayo! Hindi ako nag salita kahit ako yung binabaliktad mo at ako yung sinisira mo! Sobra taas na ng tingin mo sa sarili mo! Masyado ka nang mabaet sa ibang tao akala mo kang angel sa pakitang tao mo!”

Dagdag pa niya : “Now tayo mag harap harap para makita mo yang pinag yayabang mo! Ayoko gawin to pero sobra kana! Wala akong katahimikan sayo hangang ngayon! Marami pa akong dapat ipaliwanag dito manlang mapag tangol ko sarili ko!!”

Sa naturang video, makikita ang pagtatalo nilang dalawa at bigla nalang silang nagka-sakitan at nagka-pisikalan. Sa sobrang lakas pa ng mga suntok ni Alimeri kay Aira, bigla itong nawalan ng malay at bumagsak pa sa sahig.

Agad naman na naglabas ng official statement ang Malolos Police Station na agad raw nilang pina-imbestigahan ang pangyayari na mula sa viral video.

Anila : “Kaugnay ng kumakalat na viral CCTV footage/video na kinasasangkutan ng isang pulis, nais po naming ipabatid sa publiko na ang naturang personnel ay kasalukuyang relieved sa kanyang pwesto at naka-hold na sa Malolos Station Holding Unit ng Malolos City Police Station habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.”

Bahagi pa ng pahayag : “Pansamantala na rin pong kinuha ang kanyang issued firearm o armas, gayundin ang kanyang PNP ID, upang matiyak na hindi ito magamit sa anumang uri ng pananakot o pang-aabuso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.”