Menu
Heaven Peralejo at Mikee Quintos, may relasyon?

May something na raw sina Heaven Peralejo at Mikee Quintos?
Usap-usapan sa social media ang tunay na relasyon ng mga aktres na sina Heaven Peralejo at Mikee Quintos sa isa’t-isa.
Napansin kasi ng mga netizens ang mga recent social media posts nilang dalawa na super sweet, nagmula ang mga larawan na ito sa mga travels nila together sa Siargao at Hawaii.
Chika pa ng netizen : “OMG! may something talaga sa kanilang dalawa baka in relationship na sila since they’re both single at super bagay nilang dalawa.”
Sa latest interview naman nilang dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda, dito na naitanong ni Tito Boy ang tunay na relasyon nilang dalawa.
Tanong ni Tito Boy : “Are you in a romantic relationship, yes or no?”
Sagot ni Mikee : “Wala talaga, di ba halata? Hindi po.” Chika pa ni Heaven : “Hindi po..”
Hindi lingid sa marami na hiwalay na si Mikee sa kanyang ex-boyfriend na si Paul Salas noong April, 2025. Habang si Heaven naman at Marco Gallo ay tinapos ang kanilang relasyon noong July, 2025.
