Menu
Yulo siblings, humiwalay na rin sa kanilang magulang?

May freedom na raw ang Yulo Siblings?
Usap-usapan sa social media ang tungkol sa Yulo Siblings matapos lumabas ang bali-balitang humiwalay na raw sila sa kanilang mga magulang.
Hindi lingid sa marami na una nang umalis sa puder nina Angelica at Mark Andrew ang panganay nilang Gymnast na si Carlos Yulo.
Naging usap-usapan rin ang cryptic post ni Mark Andrew sa social media tungkol sa mga walang kwentang anak na nilagyan pa niya ng caption na ‘Louder”.
Dito na lumabas ang chismis sa Reddit na maging sina Karl Eldrew at Elaiza Andriel Yulo ay lumayas na rin sa kanilang pamamahay at namuhay na nang mapayapa na wala ang kanilang mga magulang.
Chika pa sa Reddit : “I’m a gymnastics mom and true, humiwalay na sila sa poder ni Mother. Nagkakaisa na ang mga bata kasi narealize na nila how toxic their mother is. Pansinin nyo kahit yung recent na mga panalo ng bagets na guy sa world’s series, walang any posts or kuda si Mother. Umabot pa sa point na tinago ni mother ang passport ni Bagets para di sya makapagtrain sa Japan.”
Dagdag pa : “happy that they are all finally free. Andyan naman si Ate, for sure she’d be looking after her younger sibs.”
Kamakailan lang ay nangyari ang house blessing nina Karl Eldrew at Elaiza, ngunit nagtaka ang mga netizens dahil wala sa mga litrato ang kanilang mga magulang. Sa mga social media posts, kasama nila ang kuya nilang si Carlos at ang girlfriend nitong si Chloe San Jose.
Caption pa ni Carlos : “To finally having a place to call your own—your own peace and your own beginning.”



