Criza Taa responds to netizen questioning her Lavish Lifestyle

Sinagot ng aktres-vlogger na si Criza Taa ang isang netizen matapos bahiran o gawan ng issue ang kanyang travel vlog na ibinahagi sa social media.

Criza Taa shares travel plans for Coachella 2026

Kung ating babalikan, ibinahagi ni Criza sa kanyang mga followers ang latest video sa kanyang TikTok account ang tungkol sa kanyang vacation travel papuntang Los Angeles, California.

Hangad ng aktres na makadalo sa Coachella 2026 na matagal na niyang pangarap.

Caption pa ni Criza : “pack with me may nakalimutan ba ko?!?”.

Dagdag pa niya : “COACHELLA here i comeeeee”

Netizen questions Criza Taa’s Lavish Lifestyle

Dito na nagkomento ang isang netizen na tila inaakusahan si Criza na mayroong ‘sugar daddy’ dahil malabong ma-afford ng aktres ang kanyang ‘lavish lifestyle’.

Chika ng netizen : “Ano trabaho ni ate gurl? Considering na wala naman syang malalaking project and d naman malalaki view and brand collabs nya. Nakaka curious.”

Criza explains earnings from social media brand deals

Agad na sumagot ang aktres at nilinaw na kahit wala siyang mga projects tulad ng teleserye o mga pelikula ay may mga brand deals raw siya sa social media.

Ani Criza : “wtf are u saying almost all of my brand deals are 1M+ views u wanna see my taxes for first quarter of 2026?”

Nagbigay naman ng reaksyon ang mga fans tungkol sa lavish lifestyle ni Criza at nilinaw nila na malaki talaga ang binabayad ng mga brands sa aktres.

Ani ng netizen : “actually mas malaki kita ng brand deals, promotions, endorsements and all kesa teleserye or movie.”

Dagdag pa ng isa : “Na WHAT THE FACK ka tuloy kupal ka kc mag tanong ee. . Yan bata pa milyon na binabayarang tax eh ikaw MA ANO ULAM parin?”

Share this article :