Bea Borres, binatikos dahil sa kanyang fusion alley vlog.

Anong ang issue ni Bea Borres sa Fusion Alley Food Park?

Nakatanggap ng samu’t-saring batikos si Bea Borres dahil sa kanyang bad review sa isang stall sa Fusion Alley Food Park sa Sampaloc Manila.

Sa naturang vlog ni Bea, unang pinuntahan nila ang isang sushi stall sa naturang lugar ngunit hindi niya nagustuhan ang lasa.

Honest review ni Bea : “It’s not for me, I’m sorry I don’t like it.. You know what? my standard sa food is very mababa, so.. it’s a NO for me.”

Marami naman sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang naging reaksyon ni Bea sa pagkain dahil nasa harap pa siya ng naturang stall.

Ani ng netizen : “Okay lang naman talaga na sabihin na hindi mo gusto yung pagkain. Pero may paraan kung paano mo sasabihin, lalo na kung nasa harap ka ng vendor na naghahanap-buhay lang.”

Dagdag pa ng isa : “‎I know you’re just being honest, pero kulang sa sensitivity. Para sa viewer, okay lang kasi “honest review,” pero para sa vendor, pwedeng nakakahiya o nakaka-down lalo na maliit lang yung negosyo.”

Maging ang management ng Fusion Alley Food Park ay nagsalita na rin sa naging bad review ni Bea, pumalag rin sila kung bakit nakapag-vlog ang vlogger sa lugar kahit wala itong kinuha na permit mula sa kanila.

Ani Fusion Alley Food Park : “We truly appreciate all bloggers and content creators who visit Fusion Alley and share their honest experiences. Everyone has their own taste when it comes to food, and we respect that.”

Dagdag pa nila : “However, we would also like to share that Bea Borres did not acknowledge or coordinate with the management before taking videos in the area. We believe it is important to extend basic courtesy, especially since many small businesses and vendors work very hard behind the scenes.”

Sagot naman ni Bea : “it’s a public space i didn’t know that there’s an admin office there and your point is what? I won’t balik there anymore nakikiride nalang kayo sa hate. Wow even admin nakikiride sa hate. I won’t balik in fusion alley anymore sa ugbo nalang me na good friday hahahahahahah.”