Kalibo, Aklan delegate sa Miss Universe PH 2026, tinanggal?

How true ang chika na niligwak si Miss Universe PH Kalibo, Aklan 2026 sa kompetisyon?

Usap-usapan si Imelda Schweighart ang Kalibo, Aklan delegate matapos diumano’y tanggalin sa Miss Universe PH 2026 pageant.

Napansin ito ng mga pageant fans matapos hindi na napa-bilang ang pangalan ni Imelda sa mga opisyal na candidate ng Miss Universe Philippines 2026.

Kasabay rin ang paglabas ng official statement ng Miss U PH organization, dito nila ibinahagi na may isang kandidata na hindi na magpapatuloy sa kompetisyon.

Bahagi ng kanilang pahayag : “The delegate was given both verbal and written guidance to help address the situation. Despite these efforts, certain behaviors continued in ways that were not aligned with the standards we aim to uphold.”

Dagdag pa nila : “As such, it has been decided that the delegate will no longer be allowed to continue in the competition. MUPH believes in fostering an environment that is uplifting, respectful, and empowering to women. We remain dedicated to ensuring that the experience is constructive and meaningful for everyone involved.”

Hindi naman ibinahagi ng organisasyon kung ano ang tunay na dahilan o nagawa ni Imelda dahilan upang tanggalin siya, pero hula ng mga netizens na baka raw ay may attitude problem ang kandidata.

Ani ng netizens : “Matagal na siyang na kick out sa GC ng MUPH candidates, baka may attitude problem si gurl.”

“Huwag po tayong mag bitter sa kaniya di ka naman inaano.. Eh yong panay comment kayo ng di maganda sa kaniya di niyo ba naisip na kayo din pala umaatittude na din.. Hmmmmp.”

Dagdag pa ng isa : “Taga Kalibo ako but i will not support her ma attitude kac si Ate.”