Nakatanggap ng samu’t-saring batikos mula sa mga netizen ang kapamilya host-aktres na si Kim Chiu dahil sa bandang IV Of Shades.
Pinag-usapan online ang segment ng It’s Showtime noong Sept. 10 episode na kung saan nagkamali si Kim sa pag-anunsyo sa pangalan ng bandang IV Of Shades. Imbes kasi na ‘4 Of Shades” binasa ito ng host as ‘Ay Vee Of Shades’.
Dito na kumalat ang video ni Kim online at umani ng negatibong komento mula sa mga netizen na nakapanood sa naturang video clip.
Ani ng netizen : “ilang beses na kasing nabanggit na (4) of spades name ng group nila, ininterview pa sila dyan nila karylle, jugs, and others pero “i” ”v” of spades pa rin sinabi ni kim nung binasa niya na yung nasa prompter,”
Nakarating naman kay Kim ang viral video mula sa Twitter at agad siyang nagpaliwanag hinggil dito, aminado ang host na ito ay ‘honest mistake’ dahil hindi niya talaga kilala ang naturang banda.
Ani Kim : “Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong acct na to sa “clout”. Honest mistake, diko talaga sila kilala [IV Of Shades]. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin?,
“I think there is much more problem in PH now than this na mas kailangan ng bansa natn ang boses mo doon,sa tunay na laban,sa tunay na problema, sa tunay na kalaban. Pare pareho tayong lumaban sa buhay ng patas. Be considerate. Be kind.” bahagi ng pahayag ng host.
Marami naman sa netizens ang ipinagtanggol ang dalaga, kahit sila umano ay hindi nila kilala ang banda at hindi rin nila alam kung paano bigkasin ang pangalan nito.
Ani ng netizen : “I don’t know them also. Are they famous? So kasalanan ng host hindi ng writer?! So kailangan si Kimmy ang magresearch kung sino ang guest nila na dapat ininform sya ng writer?! If that’s Anne or VG, do you have the guts to call out?!”
“Ang daming cases na ganyan pero kay Kim [Chiu] lang big deal sa inyo? Obvious masyado ang pagka insecure nyo! Takot ba kau na ilampaso na nama ni Kim Chiu mga shows ninyo?” dagdag na isa.
Sa huling bahagi ng post ni Kim, dito niya inihayag na ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa isyu.
Ani Kim : “This will be the last time I answer this. Right now, there are far bigger problems in our country [corruption] and even in our own lives than nitpicking on small things like this. Ako nga, my surname is often misspelled as CHUI instead of CHIU………”