Nico Locco, inamin na siya ang nasa video scandal.

Nagsalita na Nico Locco tungkol sa kumalat na video sa social media.

Ibinahagi ng aktor na si Nico Locco na siya talaga ang nasa viral video na pinagpi-pyistahan ngayon ng mga netizens sa social media.

Kung ating babalikan, noong March 8 kumalat ang private video ni Nico kasabay sa pag-diriwang ng International Women’s Day.

Hindi lang si Nico ang naging sangkot sa mga kumakalat na private videos dahil kahit ang mga sikat na personalidad na sina Arron Villaflor, Ron Angeles, Nikko Natividad at Gil Cuerva ay pinag-usapan rin.

Ani Nico : “Nagulat ako sa umpisa dahil nakita ko ang isang screenshot with my face in it with a girl na similar sa mga other sex videos going around at the moment.”

Dagdag pa niya : “Pero kung may lalabas na sex video with me in it, hindi ko sasabihin na hindi ako yon. If it’s me, it’s me, ganon. I will own up to it. I am not one who backs out of the truth.”