Menu
Jayson Zoleta binaril ni Datu Gulf, nakunan ng cctv.

Nakunan ng CCTV ang pag-baril sa content creator na si Jayson Zoleta.
Viral online ang pag-paslang kay Jayson Zoleta, ang suspek ay kinilalang si Datu Gulf na kanyang ex-boyfriend na nakunan pa ng CCTV.
Ang krimen ng pamamaril ay nangyari sa mismong loob ng isang tindahan sa Brgy. 4 Lucena City noong March 5 ng umaga bandang 11am.
Ayon sa mga ulat, si Jayson ay 24 years old na isang empleyado ng isang clothing shop sa Lucena, ang itinuturong suspek na bumaril mismo sa kanya ay ang dati niyang boyfriend.
Sa pagba-bahagi ng kapatid ng biktima sa GMA News, hindi pa nag-isang buwan mula nang mag-hiwalay sina Jayson at Datu na dahil raw sa selos at alitan.
Dito na raw niyaya ni Datu si Jayson na mag-kita sa isang tindahan upang makapag-usap ng personal at sa mismong lugar na palang ‘yun mangyayari ang isang krimen.
Sa CCTV footage sa viral ngayon sa social media, mapapansin si Jayson na nakatingin sa mga paninda habang si Datu naman ay pabalik-balik sa likuran ng biktima.
Sa huling pag-daan ng suspek sa bandang likod ni Jayson, agad na itong bumunot ng baril at biglang pinutukan sa bandang batok o malapitan ang biktima dahilan upang bumagsak siya sa kanyang kinatatayuan.
Sa kasalukuyan, patuloy parin na pinagha-hanap ng mga awtoridad si Datu Gulf.
