Menu
Nikko Natividad, nagsalita na sa kanyang video scandal.

Naglabas na ng kanyang pahayag si Nikko Natividad tungkol sa kanyang video scandal.
Ibinahagi ni Nikko Natividad sa programa ni Ogie Diaz ang tungkol sa kumalat na video scandal at kung ano ang nangyari sa kanilang mag-asawa.
Kung ating babalikan, pinag-pyestahan ng mga netizens ang videos nina Aaron Villaflor, Ron Angeles, Nikko Natividad at Gil Cuerva na kalat ngayon sa X [dating twitter] at Telegram.
Chika pa ni Nikko, matapos malaman ng madlang people ang tungkol sa kanilang viral scandal ay takot na takot na raw siya na makarating ito sa kanyang asawa na si Cielo Mae Eusebio.
Pagbabahagi ni Nikko : “Ayokong gawing dahilan na kasi lasing ako, o kasi may tampuhan kami. Mali ako. Ako lang yun. Takot ako aminin sa wife ko kasi natatakot ako mawala siya.”
Aminado si Nikko na darating raw talaga ang araw na lalabas at lalabas ang video scandal niya, kaya sa tuwing nagce-cellphone raw ang asawa niya ay kinakabahan talaga siya.
Dagdag pa niya : “Last year pumuputok-putok na siya. May nagme-message na sa akin na binibenta na sa Telegram. Ang nasa isip ko nun, wala na. Hiwalayan na ‘to. Sinira ko na yung pamilya ko.”
Matapos malaman raw ni Cielo ang tungkol sa video ay hindi niya nagawang sampalin si Nikko dahil umiyak nalang ito nang umiyak.
Say ni Nikko : “Hindi niya ako sinampal… umiyak lang siya nang umiyak. Nakaramdam pa siya ng awa sa akin… doon ako nag-breakdown. Sabi ko sa kanya, hiwalayan mo ako kung gusto mo… pero huwag kang bibigay. Kung iiwan mo ako ngayon, hindi kita pipigilan. Deserve ko ‘to.”
Dagdag pa niya : “Sabi niya sa akin, mahal niya pa rin ako… pakita ko daw sa kanya. Hindi na ako magre-reklamo. Ako ang may kasalanan… kasal ako eh. Kung pinatawad niya ako, hindi ko sasayangin yun.”



