Manny Pacquiao, kakasuhan na si Francis Leo Marcos.

Sasampahan na ng kaso ni Manny Pacquiao si Norman Mangusin aka Francis Leo Marcos.

Ibinahagi ni Manny Pacquiao na naghahanda na ang kanyang abogado para tuluyang sampahan ng kaso si Francis Leo Marcos.

Kung ating babalikan, pumalag si Manny sa mga banat ni Francis Leo na pangungutya sa kanyang ina na si Mommy Dionisia.

Tinawag pa ni Francis Leo si Mommy D. na ‘Baluga’ o ‘half-breed’ na ang ibig sabihin ay isang taong may mixed o may lahing negrito o aeta.

Binigyang diin rin ni Francis Leo ang utang diumano sa kanya ni Manny na nagkaka-halaga ng 1.7B pesos taong 2018 na hanggang sa ngayon raw ay hindi pa binabayaran ng pambansang kamao.

Agad na nakarating kay Manny ang mga kasinungalingan ni Francis Leo online, agad itong naglabas ng kanyang pahayag na magsa-sampa sila ng kaso laban sa social media personality.

Ani Manny : “’Yung abogado ko, naka-ready na siya. May mga violations siya [Francis], especially ‘yung nagke-claim siya na may utang ako sa kanya. Hindi ko pa rin siya nakikita, hindi ko pa siya na-meet in person.”

“Parang sabi niya ‘yung mama ko na mukhang bakulaw. So hindi maganda ‘yan. Nasasaktan ako nun. ’Yung pagsisira niya sa pangalan ko na mag-claim siya na may utang ako sa kanya, masama. Alam mo, hindi maganda ‘yung mga ganung tao. Dapat huwag tularan. Tama ‘yung kulong na siya para manahimik na siya doon.”

Dagdag pa ni Manny : “As a Christian, I don’t want to put grievances against someone. But we understand that there is an authority, which is the government na-establish to punish all those wrongdoers. Ipaubaya natin sa gobyerno ‘yung mga lumalabag sa batas at nang-aabuso, may haharapin silang kaparusahan.”