Menu
Raffy Tulfo, pumalag sa pagka-aresto kay Francis Leo Marcos.

Pumalag si Raffy Tulfo sa kasong unjust vexation ni Francis Leo Marcos.
Hindi nagustuhan ni Sen. Raffy Tulfo ang pag-aresto at pamamahiya kay Norman Mangusin aka Francis Leo Marcos sa social media.
Kung ating babalikan, February 24 ay nakulong si Francis Leo matapos ilabas ang kanyang warrant of arrest ng mga awtoridad dahil sa kasong unjust vexation.
Ani Francis : “So unjust vexation lang, kung ipahiya n’yo ako sa buong Pilipinas, grabe para akong pumatay. Tapos papahiyain n’yo ako, national TV, ng ganito na kesyo ako daw ay nag-mura kay ganito. Merong dahilan po ‘yun kung bakit ako nakapagsalita ng hindi maganda sa isang heneral.”
Napanood naman ni Raffy ang isinagawang press conference matapos ang pagka-aresto ni Francis at agad na nagbigay ng pahayag ang senador.
Ani Raffy : “May kayabangan nga siya… kung tutuusin maraming asar sa kanya. Pero, I think it was uncalled for na ginawa ng CIDG na binalandra ang pagmumukha niya, at pinabayaan pa ‘yung complainant na pagmumurahin at insultuhin siya. Eh, samantalang ‘yung kanyang kaso ay unjust vexation lamang na napakababaw.”
“Kung gusto ng PNP, ng CIDG [na] mag-presscon at ipanga-landakan ang mukha ng suspek na may warrant, sana man lang ‘yung medyo malalim-lalim naman [na kaso].”
Dagdag pa ni Raffy : “Sana man lang ‘yung rape, kidnapping, bank robbery. Huwag naman po yung unjust vexation [lang]. Kasi ang pagkakaalam ko po, may tumawag sa aking kakilala ko, ito po ay away ng dalawang vlogger na pinatulan [agad[ ng PNP.”



