Dugyot na SK Chairman sa Laguna na si Mark Adrian Napiza, viral.

Tinawag na dugyot at mabaho ng netizens si Mark Adrian Napiza.

Nakatanggap ng samu’t-saring batikos mula sa netizens ang SK Chairman sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz Laguna na si Mark Adrian Napiza.

Nag-viral kasi online ang TikTok video ni SK Chairman matapos nila itong ibahagi sa kanyang social media account.

Sa naturang content makikita ang pagpasok nila sa isang convenience store sabay na hinawakan, kinapa ang mga siopao at hotdogs na walang gamit na gloves o tong.

Sambit pa niya : “Malamig lahat [sabay nag-tawanan].”

Ang isang katuwaang video ay naging dahilan upang mabatikos ang SK Chairman online matapos hindi nagustuhan ng netizens ang naging asal ni Mark Adrian.

Ang viral video na ito ay kinunan noong February 16 sa isang convenience store sa Barangay Gatid, Sta.Cruz, Laguna.

Maraming batikos ang kanyang natanggap sa iba’t-ibang uri ng social media platforms dahil sa kanyang ginawa na isang uri ng ‘unsanitary practice’.

Ani ng netizens : “Mhie naman sa pagiging mabuting tao nalang po tayo babawi bakit hindi pa natin magawa.”

“Congratulations, kuya — you’ve turned 7-Eleven into a live demo of “How to Spread Germs 101” by touching every single hotdog like it’s a petting zoo. That’s not funny or edgy; it’s just unhygienic and embarrassingly squammy behavior.”

“That’s really insensitive. Not everyone has the privilege to choose more expensive meals. 7‑Eleven should take notice and do something about this. SK Chairman to? Sobrang Kadugyotan ha.”

Dagdag pa ng isa : “The food should be thrown and disinfected. The content creator and enablers should be charged for food safety violations. 7-11 should rethink their self service. And this why Filipinos cant have nice things.”