Menu
Paresan ni Diwata, sarado na dahil nalugi.

Tuluyan na palang nalugi ang paresan ni Diwata.
Ibinahagi ni Deo Balbuena aka Diwata sa isang panayam kay Ogie Diaz na tuluyang isinara na niya ang kanyang paresan matapos nalugi.
Kung ating babalikan, super viral ang paresan ni Diwata taong 2024 at talagang dinadayo ito ng libong-libong tao para lang matikman ang kanyang pares overload.
Not until lumabas ang mga issues at pambabatikos kay Diwata online dahilan upang hindi na dinadayo ang kanyang negosyo.
Ilang beses rin na nakulong si Diwata, kamakailan lang ay inilabas ang kanyang warrant of arrest kahit wala siyang subpoena.
May isang ahensya raw ng gobyerno ang nag-sampa ng kaso laban sa kanya dahil hindi daw compliance ang paresan niya sa mga tax obligations.
Ani Diwata : “Super stress, wala akong tulog-tulog simula ng isang araw. Guys, nakulong ako. Yes, totoo nakulong ako. Bakit? may warrant na naman ako. Hindi man lang ako nakatanggap ng subpoena, may warrant na agad. Agad-agad, katulad din nang dating nangyari.”
Dagdag pa niya : “Alam mo kung ano ang reklamo, ano ang complainant ko? Isang ahensya ng gobyerno. Hindi daw compliance. Tungkol ito sa negosyo, paresan. Tamang-tama lang nga pangkain ang kinikita ko. Minsan abono pa. Hinuli naman ako ng alas 6 ng gabi, magdamag, maghapon akong nakakulong.
Nasa 60 thousand yung bail na pinagpiyansa ko.”
Sa naging panayam naman ni Diwata kay Ogie Diaz, ibinahagi ng pares vendor na sarado na talaga ang kanyang mga paresan.
Ani Diwata : “Sarado na lahat… nalugi na talaga ‘yung paresan ko. tapos, diniclare ko na siya na bankrupt. Kasi hindi ko na din kaya mag-finance kasi nga, wala nang kinikita.”
Dagdag pa niya : “May Paresan parin ako.. Pero cart nalang.. ambulant vendor nalang ako.”
Naitanong naman ni Ogie kung kaya pa ba na bumalik ni Diwata sa ilalim ng tulay kung saan siya nag-simula.
Tanong ng talent manager : “Kaya mo pa rin [ba] na bumalik sa ilalim ng tulay?”
Sagot ni Diwata : “Kaya po. kaya pa. kasi sanay naman ako dyan. if ever talaga, ha, na to the point na bumalik ako sa ilalim ng tulay, sanay naman ako dyan, walang problema.”
Dagdag pa niya : “Pero hanggat maaari, mami Ogie, sa ngayon, kung may chance ako para hindi na bumalik, ginagawan ko na ng paraan. Pero to the point na hanggang dyan lang ako, nilalaban ko lahat. why not? sanay naman ako dyan.”



