Menu
Robin Padilla, tinawag na weak ang mga kabataan ngayon.

Tinawag na mahihina o weak ni Sen. Robin Padilla ang mga kabataan ngayon.
Usap-usapan ang naging pahayag ni Sen. Robin Padilla dahil sa pagku-kumpara niya sa mga kabataan noon at sa ngayon.
Ani Robin, mas madaling masaktan o maapektuhan raw ang maraming kabataan ngayon kumpara sa henerasyon nila noon. Binigyang diin rin nito ang labis na pag-gamit ng mga ito ng social media.
Chika pa ng senador na ang social media ay may malaking dahilan kaya’t hindi na nakikipag-kaibigan, nag-eenjoy at nakikipag-laro ang mga kabataan sa labas ng kanilang mga tahanan.
Kinuwestiyon rin niya kung bakit aniya ay napakadaling gamitin ngayon ang salitang “depression,” isang terminong bihirang marinig noong dekada ’80 at ’90.
Ani Robin : “Ang mga bata po ngayon sad to say, wag kayong magagalit sakin — nako, maraming batang magagalit siguro — pero pasensya na kayo… you are weak.”
Dagdag pa niya : “Noong panahon namin di uso yung salitang ‘depression.’ ‘Di ko nga alam yun eh, kung ano yung depression.. ngayon batang maliit sasabihin, ‘I’m depressed.’ Magulo.”
Hati naman ang komento ng mga netizens tungkol sa naging pahayag na ito ni Robin, may mga pabor sa kanya at may mga kontra naman sa naging pananaw ng senador.
Ani ng netizens : “Just because something wasn’t widely discussed back then doesn’t mean it didn’t exist or happen.”
“If ROTC will be back maybe there’s a lot of changes when it comes to generation because the discipline will come back not only for themselves but also for everybody and they will not be weak ,just my opinion.”
“In the past, many people suffered silently because there was no language, no support system, and no safe space to talk about it. That doesn’t mean they were stronger. It just means they were unheard.”
Dagdag pa ng isa : “Hard times create strong men. Strong men create good times. Good times create weak men. And, weak men create hard times.”



