Jack Argota, natanggap na ang kanyang subpoena.

Nakatanggap ng subpoena ang content creator na si Jack Argota mula sa NBI.

Ibinahagi online ng vlogger at social media personality na si Jack Argota na pinadalhan siya ng NBI ng isang subpoena.

Kung ating babalikan, naglabas ng isang St. Lukes’s ‘fake medical record’ si Argota sa kanyang Facebook page tungkol sa kalagayan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kamakailan.

Dito na pumalag ang Malacañang at agad na naglabas ng official statement ang Palace Press Officer na si Atty. Claire Castro noong January 29.

Ani Atty. Castro : “Dapat lang, dapat lang tingnan ito dahil na po biro ang biruin ang kondisyon [ng] kalusugan ng Pangulo. Kaya po ang NBI, alam po natin na mabilis umaksyon ang NBI, para maimbestigahan kung sino po ang nasa likod nito.”

Dito na naglabas ng pahayag ang NBI Acting Director na si Lito Magno, aniya maaring mapadalhan ng subpoena si Jack Argota dahil sa fake news na pinakalat niya sa social media.

Ani Magno : “Iniimbestigahan natin ‘yan dahil sa NBI, isa po sa ating mandato ay bantayan ang seguridad ng ating Pangulo, Vice President, and all the other top officials. Lumalabas ito na national concern, national security na rin po ito”

Dagdag pa niya : “Tama po ang sinasabi na may karapatan ang taong malaman ang public health ng pangulo pero hindi po ‘yan nagbibigay ng pahintulot na kung ano-ano lang ang ilalabas natin at magkalat ng fake news.”

February 5, ibinahagi ni Jack na tuluyan na niyang natanggap ang subpoena mula sa NBI.

Aniya : “May SUBPOENA nako! Sa wakas dumating din haha! [laughing emoji] Salamat National Bureau of Investigation sa paghatid dito sa bahay, may maikling kwentuhan at tawanan haha! See you mga Boss!”

Dagdag pa niya : “Maliit na bagay lang yan haha beysik! Binigyan nyo lang ako lalo ng exposure at mas lalawak ang polularidad ko haha! Gustong gusto ko yan! Salamat haha!”

Pahabol pa niya sa comment section : “Magkakape lang ako sa loob habang panapaliwanag ko ang mga katangahan nila!”